VI

12 5 0
                                    

Kasabay ng hangin ay ang paghampas naman ng alon sa dalampasigan, malakas ang hangin at bahagya pang dumidilim ang kalangitan.

Ang pagbadya ng ulan ay s'ya namang paghahanda ng dalawang katao na nasa itaas ng mga naglalakihang bato. Pinapanood lamang ni Maze ang ginagawang orasyon ni Hudyi sa hindi kalayuan sa kaniya.

May hawak-hawak itong kulay itim na libro habang mayroong pabulong na mga binabangit na katagang hindi mawari ni Maze. The book is the reason why Hudyi knows how to create a portal.

Matagal na proseso ang ginagawa kapag may binubuksang isang portal patungo sa magkaibang panig ng mundo. Ngunit isang kumpas lamang ang gagawin kung ang iyong gagawing portal ay patungo lamang sa lugar kung saan kabilang pa rin sa iyong mundong ginagalawan.

Hudyi was concentrating, nakapikit ang mga mata nito habang nakatutok ang mga kamay sa hangin. Maze was sure that he's not a portal manipulator and maker. Dahil hindi na siya mahihirapan pa sa ginagawa kung isa talaga siyang pinanganak na may ganoong mahika.

Gumuhit sa isang ngiti ang kaniyang labi nang makitang unti-unti na ang paglaki ng portal, it's not her first time to see or try one, pero ito ang unang beses na gagamit siya ng portal patungo sa ibang mundo.

Napatingin siya sa kalangitan nang malapit nang umulan. Maaga pa lamang ay uulan na. Mukha talagang gustong-gusto ng bumuhos ng ulan ngunit nandyan pa si Maze kaya't hindi nito ginagawa.

"It's done!"

Her heart jumped, mabilis siyang lumapit kay Hudyi at pinagmasdan ang magandang kulay na umiikot sa portal. It's so big.

Nilingon niya si Hudyi. "Are we going to enter now?"

Tumango si Hudyi at ibinaba ang suot na cloak. "Ibaba mo ang iyong suot, Miss Maze. Hindi natin alam kung mayroon bang tao sa lugar na ating lalabasan o wala. What we are doing is illegal to that world."

Ibinaba naman ni Maze ang ibinigay na cloak sa kaniya at tumango kay Hudyi. Hanggang sa sabay na silang pumasok sa portal.

A warm sensation embraced Maze, unti-unti niyang ibinaba ang suot na cloak hanggang sa iba na ang kaniyang nasa kapaligiran.

Wala ng katubigan sa palagid, wala ng malakas na hangin, wala ng tunog ng malalakas na alon na humahampas sa dalampasigan, at wala ng langit na dumidilim dahil sa pagbadya ng ulan.

Napalitan ang mga ito ng madilim ngunit magandang paligid, sa kalangitan ay mga mas maliliwanag na naggagandahang bituin at malinaw na mga konstelasyon, buong-buo pa ang isang buwan na sobrang liwanag kaya't hindi talaga madilim sa kanilang kinalalagyan.

Sa kapaligiran ay ang matitingkad na kulay ng mga berdeng maliliit na damo at mga iba't-ibang kulay ng mga bulaklak, sa hindi kalayuan ay mga malalagong puno na pinapalibutan ng mga nagkukumpulang alitaptap.

It's truly magical.

Kumikislap ang mga mata ni Maze sa nakikita, she's so happy to be finally here. Napakabango sa paligid at iyon ay ang mga halimuyak ng bulaklak.

Crickets sound are not annoying in the ear, it is as if they're not just randomly creating a piercing sound to the ear, as if they're playing a song that will make people feel happy.

"Welcome to Mandella." Hudyi smiled at her.

Nakangiti ang mga mata ni Maze habang nakatingin sa kapaligiran, nilingon niya si Hudyi.

"Thanks for bringing me here, Hudyi. I really really appreciate your kindness." Simple lamang iyong pasasalamat pero may naramdaman si Hudyi na kakaiba.

Merciless' Vice VersaWhere stories live. Discover now