I Miciera and The Good Coven I

4K 140 13
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!



KABANATA LI

Third Person's POV


Miciera felt like her whole body had been put over a fire and everything from her head to the tip of her toe was aching. She couldn't even breathe straight or clearly hear anything around her. Her eyes felt like it was swollen all over as well.

Sinubukan niya pa ding ibukas iyon, sapat lang upang kahit papano ay maaninag niya ang paligid. Kaagad na rumehistro sa kanyang naniningkit na mata ang hindi pamilyar na lugar.

She seems to be inside a cave and there's gemstones at each corner of the stone she's currently lying which a strange hue of blue luminance is radiating from. The atmosphere inside the place is evidently cold or is it because she doesn't have any clothes on?

Sunod-sunod siyang napamura sa sakit ng sinubukan niyang tumayo mula sa batong kinahihigaan. Kaagad na napuno ng madaming katanungan ang kanyang isip.

Anong nangyari matapos ang pakikipaglaban niya sa demonyong iyon? Kamusta ang mga taong nalagay sa alanganin ang buhay dahil sa pagsugod? Ang kanyang ina-inahang si Mizda?

Higit sa lahat ng mga katanungang iyon ay namayani sa kanyang isip ang tanong kung nasa kabilang buhay na ba siya?

Saglit siyang napatulala habang habol ang paghinga dahil sa sakit na ininda matapos matagumpay na naupo ang sarili sa malamig na batong iyon.

"Gising ka na pala," Parang lumundag palabas ng kanyang dibdib ang kanyang puso ng biglang may magsalita mula sa kanyang likuran. Pilit niyang inilingon ang ulo dito habang sapo ang sariling katawan.

Her eyes landed upon an unfamiliar face of a woman. However, she couldn't feel any sense of dark energy or danger surrounding her, so she felt at ease. Her heavy breathing halted while looking at the woman walking towards her then handing her a pile of clothes.

"Ako si Enora. Hayaan mong tulungan kitang magbihis." Paghihingi nito ng pahintulot na mahina na lamang tinanguan ni Miciera. Tila ba may mabigat na bagay na nakabara sa kanyang lalamunan at hindi niya magawang magsalita.

Lumipas ang halos sampung minuto at ngayon ay balot na siya ng damit na ibinigay nito. Tahimik nitong sinindihan ang mga kandila sa ibaba ng batong kinalalagyan niya, kahit papano ay nakaramdam ng init si Miciera mula doon.

"N–Nasa–an a–ako?" Usal niya ng sandaling mahanap niya nang muli ang boses, kahit pa bakas pa din ang pagka paos doon. Mahigpit niya na lamang na iniyakap ang braso sa sarili at yumuko habang hinihintay itong magsalita.

"Bago ko sagutin ang bagay na iyan ay hayaan mo muna akong pawiin ang pamamaga ng iyong mga mata." Sambit nito na tinanguan niya na lamang. Ang huling memorya na naaalala niya ay ang sandaling inatake ng demonyong iyon ang kanyang lola Mizda.

Biglang bumigat ang kanyang dibdib ng sandaling bumalik sa kanyang memorya ang masakit na pamamaalam ng nag-iisa niyang pamilya sa mundo. Mahigpit niyang nakuyom ang palad sa itaas ng hita habang hinahayaan ang babaeng iyon sa pagpapagaling sa kanya.

"Kasalukuyan kang nasa teritoryo ng Good Coven." Usal nito matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nila. Natigilan naman si Miciera dahil sa sinabi nito. Kaagad na nabalot ng kunot ang kanyang noo.

"Anong ibig mong sabihin?" Halo ang emosyong pumupuno ngayon sa dibdib ng dalaga.

"Natagpuan namin ang iyong katawan na palutang-lutang sa ilog ng Grand Orleas, sinagip namin ang iyong katawan at dinala dito upang subukang pagalingin." Paliwanag nito bago ibinalik ang tingin sa kanya. Marahan nitong kinuha ang kanyang braso at ini-angat ang manggas niyon dahilan kung bakit muling lumitaw ang may kalakihan niyang sugat doon.

MY CURSED MATEWhere stories live. Discover now