I Rest well, Mother I

4.1K 150 4
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!



KABANATA LII

Third Person's POV

"I–Ija," Bahagyang napaatras si Miciera dahil sa biglaang paglapit nito sa kanya at kinuha ang pareho niyang palad. Isang malaking ngiti ang napaskil sa labi nito habang puno ng katanungan ang kanyang isip.

"Maraming salamat sa iyo at sa iyong lola–kung hindi dahil sa inyo ay malamang na kasama kami sa mga nasawi ng gabing iyon." Maluha-luhang usal nito na halos lumuhod na sa kanyang harapan.

Dahil doon ay kaagad na nanlamig ang buong sistema ni Miciera at nawalan ng buhay ang kanyang ekspreyson.

Aanhin niya pa ang pasasalamat ng mga ito gayong wala na ang nilalang na dapat nilang pasalamatan ng lubos. Hindi niya mapigilan ang pagpaskil ng pait sa kanyang ekspresyon. Kung hindi dahil sa kabaitang meron si lola Mizda ay kasama niya pa dapat ito ngayon.

Mayroon pa sana siyang bahay at pamilyang uuwian pagtapos ng mga problemang pilit niyang nilalampasan.

"Wala ng magagawa ang inyong pasasalamat—" Hindi maintindihan ni Miciera ang sarili kung bakit kusang huminto ang kanyang bibig sa pagsasalita ng muling dumako ang kanyang tingin sa mukha ng batang lalaki. Tila ba nahahabag siya na magbigkas ng mga salitang iyon gayong alam niya na masasaktan ang inosenteng puso ito.

Mariin niya na lamang ipinikit ang kanyang mata upang pigilan ang pagsabog ng kanyang emosyon. "Hindi kayo dapat sa akin nagpapasalamat." Iyon na lamang ang kanyang inusal bago kinalas ang pagkakahawak nito sa kanyang palad at walang salitang tumalikod dito at pilit na pinigilan ang mga nagbabadyang luha sa kanyang mata.

"A–Ate sandali lang po!" Muli siyang napatigil sa kinatatayuan ng muling abutin ng batang lalaki ang kanyang isang kamay at hinila iyon upang siya'y huminto.

"H–Hindi mo ba nais na mamaalam sa kanyang labi sa huling pagkakataon ija?" Natuod siya sa kanyang pwesto dahil sa sinabi ng ina nito.

"A–Anong ibig mong sabihin?" Awtomatikong gumalaw ang kanyang katawan paharap dito. Wala na siyang nagawa at hinayaan ang batang lalaki na hilahin siya sa direksyon papasok sa kakahuyan. Kita niya ang ngiting nakapaskil sa mukha nito habang hinihila siya. Nakasunod lamang sa kanilang likod ang ina nito, at ng sandaling lingunin niya iyon ay isang ngiti lang din ang ibinigay nito sa kanya.

Unti-unting bumibilis ang tibok ng kanyang dibdib habang papasok sila ng papasok sa gitna ng kagubatang iyon.

"Narito na tayo!" Masayang bulalas ng bata at binitawan siya nito bago tumakbo papasok sa isang makipot na daan, sa di kalayuan ay naririnig niya ang ingay ng umaagos na tubig.

Naalala niya ang parteng iyon ng kanilang nayon. Malapit na iyon sa pampang ng ilog ng Grand Orleas. Dahil sa dilim ng paligid ay nangingibabaw ang liwanag sa dulo ng daan gawa ng sinag ng buwan sa parteng iyon.

"Puntahan mo na siya ija. Ilang araw ka na niyang hinihintay. Oras na upang makapagpaalam kayo sa isa't isa." Muling rumehistro sa kanyang tenga ang malumanay na boses ng babae sa kanyang likuran.

Bawat hakbang na ginagawa niya patungo sa direksyong pinasok ng bata ay tila pinapawi ang hangin sa kanyang dibdib dahilan kung bakit unti-unting bumibigat ang kanyang paghinga.

"Ate dito!" Muling sigaw nito dahilan kung bakit unti-unting bumilis ang kanyang paghakbang. Hindi niya maintindihan ang emosyong bumabalot ngayon sa kanyang puso. Lungkot, galit, tuwa... pagka sabik.

MY CURSED MATEOn viuen les histories. Descobreix ara