Special Chapter I

14.1K 806 63
                                    

Today is the day of hunting day. Lahat ng mag-aaral sa Entasia Akademia ay excited sa gaganaping hunting day ngayong araw.

Karamihan sa amin ay first time na lumahok sa ganitong pagdiriwang. Ang iba ay hindi alam kung anong gagawin.

Sa gaganaping hunting day ngayon. May isang rule na dapat alalahanin. Bawal gumamit ng mahika. You can use a bow or swords. You can also use different weapons. Depende iyon sa kung anong gusto mong gamitin huwag lang ang mahika.

Ngayon, nasa malaking kagubatan kami sa kontinente ng Entayos. Dito sa kagubatan na ito kadalasan ginaganap ang hunting day dahil madaming mga hayop ang matatagpuan dito. Ayon din sa iba ay kilala din ang kagubatan na 'to sa tawag na Hunter's Forest. Ang kagubatan din na ito ay hindi tinitirhan ng mga sacred creatures.

Sa sobrang lawak ng buong kagubatan ay talagang maliligaw ka.

"Why did you volunteer?" Tanong ng katabi kong si Zernon.

"I did not. Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Pinilit lang ako ni Fraya. Ito na daw ang huling pagkakataon ko para maranasan ang araw na ito" paliwanag ko kay Zernon. Tumango naman ito.

Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang aking kamay kaya naman nag-angat muli ako ng tingin sa kaniya.

"Will you—"

"Zernon, bakit kayo nakatigil dito?"

Biglang sulpot naman ni Brino. Hindi niya kasama si Kiro.

Masamang tiningnan ni Zernon si Brino.

"Get lost" utos ni Zernon dito kaya naman naguguluhang tumuloy sa paglalakad si Brino.

Natatawa kong tiningnan si Zernon.

"Are you mad because he cut you off?" Tanong ko dito.

Ang totoo nan, may nahuli ng malaking bear si Zernon. Hindi lang iyon nakita ni Brino dahil siguro nakatingin ito sa amin.

Sinipa ko ang katawan ng malaking bear sa aking paanan. Triple ang laki ng bear na'to sa katawan ng tao. Nakakabilib na walang kahirap-hirap itong napatay ni Zernon ng hindi ginagamitan ng mahika.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Usal ko pa dito ng ito ay bumuntong-hininga na para bang kinakabahan.

Nangunot naman ang aking noo.

"Faneya, Willyoumarryme" mabilis nitong sabi kaya naman natawa ako.

"What did you say?" Pang-aasar ko dito.

"Fuck Brino. I was ready earlier but he freaking cut me off. Now, I am so nervous that I can't even say it properly" hindi makatinging usal nito sa akin.

Lalo naman akong napangiti at pinigilan na hindi matawa.

"Just say it. I will close my eyes then you say it" usal ko dito at ipinikit ko ang aking mga mata.

Ilang segundo ang nakalipas ng hindi ito nagsasalita. Naramdaman ko na lang ang malambot na bagay sa aking labi. Nang imulat ko ang aking mata ay nakita ko ang nakapikit na mata ni Zernon habang magkalapat ang aming mga labi.

Ibinuka ko ang aking bibig at pinalalim naman ni Zernon ang kaniyang paghalik.

"Will you marry" usal nito sa pagitan ng aming halik.

"Me" patuloy pa nito.

Napaungol ako ng kagatin ni Zernon ang ibaba ng aking labi bago ito humiwalay.

Namumula akong tumango kay Zernon.

"Yes" mahinang usal ko dito.

Kinabig ako ni Zernon at mahigpit akong hinagkan. Hindi pa naman nakakatagal ang aming yakapan ay may gumambala na sa amin.

Entasia Akademia: The AbsoluteWhere stories live. Discover now