Kabanata 1

57.6K 1.6K 270
                                    

Kabanata 1

NAKATINGIN lang ako sa labas ng bintana. Malakas ang bugso ng hangin at ulan. Ang punong nakikita ko sa di kalayuan ay sumasayaw sa ihip ng malakas na hangin at ang berdeng dahon nito ay naglalaglagan.

"FANEYA URIESE VENELO!"

Kumunot ang noo ko at nawala ang aking atensyon sa labas ng building. Bumuntong hininga ako ng makita ko ang namumulang mukha ng aming guro na kasalukuyang nagtuturo. Hindi alintana ang bagyo sa mga oras na ito.

"What do you want?" nakataas na kilay kong tanong sa matandang babae na ngayon ay umuusok na ang ilong sa galit.

"How dare you to talk like that! I am your teacher!" bulyaw nito sa akin at mahigpit na nakahawak sa libro.

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko naman ang mga kaklase ko na tila nasisiyahan sa kanilang nasasaksihan. Hindi ko alam kung dahil ba ayaw nila sa akin o ayaw nila sa gurong nasa harapan.

"Bakit mo ako tinawag?" naiinip na tanong ko dito.

"You are not paying attention to my lesson. I called your name many times but you didn't even heard it"

Wrong. I heard you. I just don't care.

"Sorry for that" labas sa ilong kong paghingi ng pasensya. Hindi lang naman kasi ako ang hindi nakikinig sa kaniya. I am aware of the fact that half of my classmates are not listening. Hindi ko nga lang alam kung bakit ako ang napansin niya.

"I don't accept sorry Ms. Venelo. Come here and take this" wika niya at winagaywag ang papel.

Tumayo naman ako at hindi na pinansin pa ang bulungan ng mga kaklase ko. Alam ko at alam din nila kung para saan ang papel na iyon. Kinuha ko ito sa kamay niya at agad bumalik sa aking upuan.

'Detention Slip'

Walang sabi-sabi na pinunit ko ito at inilagay sa ilalim ng desk. Hindi ako pwedeng umuwi ng late dahil kay Lola. Kung pwede naman na takasan ko ang detention ay gagawin ko. Hindi naman ako ganon kabait at lalong hindi ako masunurin.

Matapos ang huling klase ay agad kong inayos ang aking gamit. Kinuha ko ang coat na nakalagay sa aking likod ng upuan at sinuot iyon. Napasilip naman ako sa bintana at ganon pa rin ang lakas ng ulan. Hindi suspendido ang klase kahit na may bagyo dahil hindi naman bahain ang lugar namin.

Lumabas ako ng classroom at naramdaman ko agad ang mga matang nakatitig sa akin. Hindi na bago sa akin ang pakiramdam na tinititigan. Nasanay na rin siguro ako sa kanilang pagtrato sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako naging sikat pero isang araw nalaman ko nalang na kilala na pala ako ng buong estudyante sa paaralan.

'She's really a walking doll'

'Talaga bang walang pinaretoke ang babaeng yan?'

'Dude, lapitan mo na'

'May boyfriend na kaya siya'

'Bakit kaya hindi siya nangiti'

'She's really scary. Napakaseryoso niya lagi'

'Sshh. Baka marinig ka niya'

Bumuntong hininga ako at hindi nalang pinansin ang mga matang nakatutok sa akin. Maging ang mga bulungan nila ay iwinaksi ko na lamang sa aking isipan at umaktong walang kahit na ano mang naririnig.

Pumara ako ng taxi paglabas ko ng gate. May hawak akong payong sa kaliwang kamay at gamit ang aking kanang kamay ay walang tigil akong pumapara ng taxi.

Makalipas ang ilang minuto na wala pa rin tumitigil na taxi. Napatingala ako sa kulay abong kalangitan. Kumukulog at kumikidlat. Ilang minuto akong nakatayo sa gilid ng kalsada ng mapagpasyhan kong maglakad dahil wala ng sasakyan ang dumadaan at kanina pa dumilim.

Entasia Akademia: The AbsoluteTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang