Kabanata 26

24.5K 1K 26
                                    

Kabanata 26

MARIIN na nakatingin sa akin ang Emperor habang nakaduro ang kamay niya sa akin. Halatang naguguluhan siya kung bakit kilala ko si Zernon.

"Yes, I knew her" malamig na usal ni Zernon kaya naman napabaling ako sa kaniya. Ang bilis niyang magbago ng mood.

"Isa siyang lapastangan Zernon. Kailangan siyang parusahan ng kamatayan. Bilang isang Emperor inuutusan kita na patayin ang babaeng iyan" galit at nanggigigil na saad ng Emperor. Napatingin naman muli ako kay Zernon na walang kahit anong emosyon ang mababakas sa kaniyang mukha.

"I won't obey your order. She did nothing wrong" usal ni Zernon at taas noong nakipaglaban ng tingin sa Emperor. Walang mababakas na takot ang kaniyang mukha.

Humakbang ako sa harap ni Zernon. Matapang kong sinalubong ang nagbabagang tingin sa akin ng Emperor. Alam ko. May alam siya.

"Kilala niyo kung sino ang tinutukoy kong nararapat na nakaupo sa trono na inangkin mo" matapang kong pahayag. Bakas ang pagkabahala at ang paglunok niya.

"Isa kang lapastangan. Ako ang pinaka makapangyarihan na tao sa buong Entasia. Sa oras na kalabanin mo ako ay mamamatay ka" malakas na usal ng Emperor kaya naman umiling ako.

"Hindi. Alam kong may alam ka. Sabihin mo paano mo nalaman ang tungkol sa 'Absolute'?" seryoso kong turan sa kaniya. Lalo bumakas ang pangamba sa mukha niya. Inilibot niya ang paningin sa paligid na tila may hinahanap. Sa paningin ko ay nagmumukha na siyang baliw.

"Impossible. Ikaw dapat ang tinatanong ko sa bagay na iyon dahil nasisiguro kong tatlo lang kaming may alam sa bagay na iyon" natatarantang usal ng Emperor. Muli niyang inilibot ang kaniyang paningin bago muling nagsalita. "Nasisiguro ko na patay na ang dalawang nakakaalam non maliban sa akin"

Agad nanlaki ang aking mata dahil sa aking natuklasan. Kailangan ko lamang ng kompirmasyon mula sa kaniya. Mula sa kasalukuyang Emperor.

"Kaya ba pinatay mo ang dating Emperor? dahil alam niya ang tungkol sa 'The Absolute'?" kinakabahan kong tanong sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mata sa aking sinabi.

"Paano mo nalamang ako ang pumatay sa dating Emperor?" gulat nitong pahayag. Hindi ko sinagot ang katanungan niya. Isa lang ang natiyak kong bagay. Alam din ng namayapang Emperor ang tungkol sa 'The Absolute'.

"Tama ka, ako nga ang pumatay sa duwag na lalaking iyon. Balak niyang sayangin ang kaniyang posisyon na matagal ko ng hinahangad. Balak niyang ipamalita sa lahat ang walang katuturan na balita tungkol sa 'The Absolute', na iyon talaga ang taong dapat katakutan ng lahat dahil kaya nitong sirain ang buong Entasia ng walang kahirap-hirap. Na iyon ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Bilang isang kanang kamay. Hindi ako pumayag sa bagay na iyon, ilang dekada na ang nakalipas. Bakit pa kailangan baguhin ang kinagisnan ng mga kasalukuyang mamamayan ng Entasia. Hindi siya nababagay na maging isang Emperor. Ako dapat at wala ng iba ang nasa mataas na posisyon na iyon" Humalakhak ang Emperor matapos niyang ibunyag ang kaniyang maitim na pagkatao.

"Mali ang ginawa mo. Isa ka lamang kanang kamay. Wala kang karapatan na magdesisyon para sa Emperor at lalong lalo na sa buong Entasia" matigas kong turan sa kaniya. Kumukulo ang dugo ko sa galit kapag naalala ko na matapos niyang maging isang Emperor ay pinapatay niya ang magulang ko. Isa siyang masamang tao  na dapat parusahan.

"Ako? Walang karapatan? Isa kang lampastangan na bata!" bulyaw nito sa akin. Nanlilisik ang kaniyang mga mata na handa ng sumugod sa ano mang pagkakataon. Muli naman itong nagsalita.

"Sa lahat ng tao sa Entasia. Ako ang may pinaka karapat dapat sa posisyon bilang Emperor at nasa akin lahat ng karapatan upang magdesisyon sa buong Entasia. Ang kauna-unahang Emperor. Siya lang naman ang aking great great grandfather at wala ng iba. Tinutuloy ko lang ang sinimulan ng aking ninuno" pahayag nito habang madilim ang kaniyang inilalabas na awra. Napasinghal ako..

Entasia Akademia: The AbsoluteWhere stories live. Discover now