Kabanata 24

25.7K 1K 51
                                    

Kabanata 24

NAKATITIG ako sa may upuan sa aking harapan kung saan walang nakaupo. Nakaupo ako sa harap ng table ni Punong Mahestrado.

Iniisip ko ang huling sinabi sa akin ni Aya. Hindi niya sinagot ang tanong ko.  Hindi ko din alam kung bakit panatag ang loob ko sa kaniya. Sigurado din ako na hindi siya masamang tao o kung tao nga ba talaga siya.

"Bumalik ka dito kapag alam mo na kung ano ka sa dalawa" iyon ang baon niyang bilin sa akin. Naguguluhan man ay tumango nalang ako sa kaniya. Pagkatapos non ay tuluyan na akong umalis at bumalik sa Akademia. Kahapon pa nangyari ang lahat ng iyon at hindi ako nakatulog ng maayos.

Sigurado ako na ang tinutukoy niyang dalawang bagay ay ang pagiging pangkaraniwan kong nilalang o hindi. Hindi niya kasi nilinaw ang kaniyang sinabi.

"Faneya, nakikinig ka ba?"

Agad akong bumalik sa realidad ng hampasin ni Punong Mahestrado ang lamesa upang agawin ang atensyon ko sa kawalan. Wala sa sariling napatango ako kahit wala naman talaga akong narinig sa kahit anong sinabi niya. Napailing naman siya.

"Alam kong wala kang kahit na anong narinig sa aking sinabi. Masyado kang lunod sa iyong malalim na pag-iisip" wika ni Punong Mahestrado kaya naman napayuko ako.

"Pasensya na" paghingi ko ng paumanhin. Bumuntong hininga naman si Punong Mahestrado.

"Ang sinasabi ko, kailangan na nating makausap ang tatlo pang kontinente. Ang uunahin nating puntahan ay ang kontinente ng Landyos" saad niya kaya naman tumango ako.

"Kakailanganin natin na isama si Sedi. Ang prinsipe nila" usal muli niya kaya naman napakunot ang noo ko.

"Bakit kailangan pa natin siyang isama? Noong huli ay isinama natin si Sean pero wala naman siyang naitulong. Mas mapapadali kung hindi nalang natin siya isasama" saad ko kay Punong Mahestrado. Siguradong sakit lang siya sa ulo pag sumama. Katulad ni Sean ay wala rin siyang maitutulong.

"Pero napatawag ko na siya" saad ni Punong Mahestrado kasabay ng pagbukas ng pinto at pumasok si Sedi. Napailing naman ako.

Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin at umupo sa kaharap kong upuan. Napairap nalang ako sa ere.

"Ang ganda mo talaga. Hindi ko pal nalalaman ang iyong ngalan" saad pa niya kaya naman napangiwi ako.

"Punong Mahestrado, mabuti pang huwag nalang natin siyang isama" seryosong saad ko. Narinig ko naman napaismid si Sedi.

"Bakit ayaw mo akong kasama? Isa pa, alam ko na ang lahat. Sinabi na sa akin ni Sean kung anong nangyayari" saad ni Sedi kaya naman napatingin ako kay Punong Mahestrado na mah nagtatanong na mukha.

"Alam na ng apat na prinsipe. Inutusan ko si Sean na sabihin sa tatlo pang prinsipe ang tungkol sa kasalukyang nangyayari sa Entasia. Kakailangan din naman nating isama sila sa kani-kanilang kaharian" usal ni Punong Mahestrado kaya naman napabuntong hininga nalamang ako.

Bumukas muli ang pinto at pumasok si Zernon at lumapit sa tabi ko. Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito Zernon?" tanong ko sa kaniya habang nakatingala dahil nakatayo siya sa tabi ko at ako naman ay nakaupo.

"I'll go with you" walang gana nitong sabi na para bang napipilitan. Iyon ang iisipin ko kung sinabihan ko siyang samahan ako pero wala naman akonh sinasabi sa kaniya. Lalonv nangunot ang noo ko.

"No, just stay here" sabi ko sa kaniya. Hindi naman sa kaharian nila kami pupunta kaya bakit kailangan niya pang sumama.

"No, I insist Faneya Uriese" madiin na wika niya habang natingin sa mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil nangangalay na ang leeg ko kakatingala.

Entasia Akademia: The AbsoluteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon