Kabanata 6

31.3K 1.4K 186
                                    

Kabanata 6

PADAMI na ng padami ang tao sa loob ng malawak na lugar na ito. May mga tao na rin sa entablado na may magagarang kasuotan. Marahil ay kabilang sa Manhara o Maharlika.

"Narnia, bakit hindi mo sinabi sa akin na ang pagpapalistang iyon ay tungkol sa pagsusulit sa Akademia?" tumaas ang tono ng boses ko. Naiinis ako dahil hindi ko manlang alam ang ginagawa ko. I'm so stupid. Fvck.

"Hindi ba dito ang sadya mo? Hindi ka naman nagtanong kaya akala ko alam mo na" inosenteng sagot nito kaya naman napasabunot nalang ako sa aking buhok. Ugh. Ayoko ngang nag-aaral. Hindi nga ako nakikinig sa klase tapos malalaman ko nalang na nagpalista ako sa pagsusulit ngayon.

Walang sabi-sabi na tinalikuran ko si Narnia. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito bago pa man magsimula. Wala akong balak pumasok sa Akademia na iyon at lalong hindi ako interesado.

"Saglit Faneya. Saan ka pupunta?" sigaw ni Narnia kaya halos mapatampal ako sa aking noo ng mapatingin sa akin ang mga tao. Ang hirap pa naman na makadaan dahil sa daming kasali na Minhana sa pagsusulit.

Hindi ako lumingon. Bahala siya. Kakapunta ko palang sa mundo na ito kaya kailangan kong mahanap agad si Lola para malaman ang mga bagay bagay sa mundong ito.

Inangat ko ang balabal na suot ko dahil nagsisimula na naman silang tingnan ako. Nang makalabas ako sa tumpok ng tao ay agad ako nakahinga ng maluwag.

Lumingon ako sa pinanggalingan ko. Ganon kadami ang magsusulit tapos 5 lang ang makukuha? Napailing nalang ako at naglakad na.

Napatigil naman ako sa paglalakad ng may lalaking nangharang sa daan ko. Tiningnan ko ito mula paa hanggang ulo. Walang duda isa itong maharlika. Natatandaan ko rin ang sinabi ni Narnia na ito ang prinsipe ng Aeryos. Gwapo nga siya pero hindi ko siya type at hindi ako interesado.

"Where do you think you're going?" nakangising usal nito. Tumaas ang kilay ko. Ano naman ang pake ng isang ito?

"None of your business" mataray kong wika. Hindi naman siya nagulat pa sa naging sagot ko kaya napairap nalang ako sa ere. Ano bang kailangan ng lalaking ito sa akin. Nilagpasan ko nalang siya ngunit ang mokong ay hindi talaga papaawat.

"Bitawan mo ko" anas ko ng hawakan niya ako sa braso. Hindi ba siya nahihiya? Hinaharass niya ang isang mababang uri ng antas na katulad kong isang Minhana.

"Hindi pwedeng umalis kapag nailista na ang pangalan mo sa magsusulit. Kapag umalis ka, buhay mo ang kapalit"

Kung tinatakot niya ako sa lagay na yan ay sorry nalang siya dahil hindi ako natatakot. Mas natatakot pa ako na baka kung nasaan ng lupalop ang aking Lola. Iwinaksi ko ng malakas ang kaniyang kamay kaya naman napabitaw siya.

"Fine. Kill me" natigilan naman siya sa taas ng kompyansa ko. Akala niya siguro ay matatakot ako sa sinabi niya. Walang kwentang prinsipe.

Umalis ako at iniwan si Heros. Wala akong balak na makipagdaldalan dahil nauubos ang aking oras. Ilang oras din ang inaksaya ko sa pagpila tapos malalaman ko na para sa walang kwentang bagay lang pala iyon.

Nakarating ako sa lugar na madaming nagtitinda. Bayan ito siguro ng Aeryos. Biglang kumulo ang aking tyan dahil sa gutom. Naalala ko na hindi pa nga pala ako nakain mula kanina.

Pumasok ako sa isang kainan. Hindi pamilyar sa akin ang mga putahe. May mga inihaw din na ahas akong nakita kanina na tinitinda sa tabi. Hindi na ako nagtagal pa sa pagkain dahil hapon na. Mahihirapan akong maghanap kung aabutin ako ng dilim.

Naisip ko bigla na kung aabutin ako ng dilim dito ay wala akong matutulugan. Kung gagamitin ko naman ang isang pilak na natitira sa akin ay hindi na ako makakaalis pa sa lugar na ito. Paano kung nasa ibang lugar pala ang aking Lola.

Entasia Akademia: The AbsoluteWhere stories live. Discover now