Kabanata 9

31K 1.2K 523
                                    

Kabanata 9

"HOY, La bakit ang dami pa din na nakatingin sa akin? Akala ko ba ay wala ng magtatangka pang tingnan ako?" singhal ko kay Lola na nakahawak sa kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. Ang kaibahan lang ay matatalim at nakakatakot silang tumingin.

"Ngayon lang kasi sila nakakita ng taong kasing panget mo. Dati ay tinitingnan ka nila dahil walang katumbas ang ganda mo ngayon naman ay walang katumbas ang kapangitan mo" tumatawang pahayag ni Lola kaya naman napasimangot ako. Kung hindi ko lang talaga siya Lola ay matagal ko na itong nabatukan. Ang sarap tirisin nakakasura.

Naglalakad kami sa bayan ng Pyros. Namimili ng damit na katulad ng sa Manhara. Kung magpapanggap daw kami na isang Minhana ay baka mas lalo akong kuyugin ng mga estudyante sa lugar na iyon kaya naisip ni Lola na  pumasok ako sa Akademia bilang isang Manhara. Ang nasa gitnang antas ng pamumuhay.

"Kadiri naman yang babaeng yan. Natulo ang laway hindi man lang punasan"

"Hindi ko alam na may mas ipapanget pa pala ang salitang panget"

"Hindi ko matanggap na kauri natin ang isang yan"

"Hindi siya mukhang tao. Baka naman nagmula siya sa Entayos"

Napairap naman ako sa ere. Ano bang pake ng mga ito sa mukha ko. Akala mo naman kung sinong magaganda. Baka matameme sila kapag nakita nila ang tunay kong itsura.

"Faneng, wag kang makikipag away sa mga tao don ha. Alam kong maikli pa naman ang pasensya mo"

Tumango-tango naman ako. Kung hindi nila ako papakealaman ay walang masamang mangyayari. Kung hindi nila ako pagtitripan ay mananahimik nalang ako sa isang sulok.

"Akala ko ba ay papasok na ako sa Akademia ngayon? Bakit naman nasa bayan tayo at namimili ng damit?" pag-uusisa ko dahil inaasahan ko pa naman na sa Entasia Akademia ang deretso namin.

"Kailangan mo ng mga damit Faneng. Hindi naman lagi ay uniform ang suot niyo. Umayos ka at sumunod ka nalang sa akin. Pagkatapos natin dito ay dederetso na tayo sa Entasia Akademia"

Napairap nalang ako. Ano pa nga bang magagawa ko. Napapansin ko naman na napapasulyap kay Lola ang mga nakakasalubong namin. Nagtataka siguro kung bakit parang ang tanda na kung magsalita ng isang batang paslit. Hindi nila alam na matanda na itong kasama ko.

"Paano mo nga pala ako naipasok sa Entasia Akademia La?" tanong ko habang hinahawakan ang malambot na silk.

Tinapik naman ng tindera ang aking kamay at nandidiri akong tiningnan. Anong problema ng isang ito? Dukutin ko mata niya. Inirapan ko ang tinderang babae at tumingin kay Lola.

"Madali lang naman. Sabihin na natin na pumuslit ako sa loob ng Akademia at sinulat ang pangalan mo sa listahan ng mag-aaral nila pero kakailanganin mo parin na dumeretso sa silid ng Punong Mahestrado para malaman kung saang dorm ka tutuloy"

Nagtataka man ako sa ginawa ni Lola ay tumango nalang ako. Hindi ko maintindihan kung ano bang ginawa niya. Paanong isinulat niya lang ang pangalan ko? Pwede ba yon? Buti at hindi siya nahuli. Sabagay. Mahina lang ang presensya ni Lola at kung hindi ka sanay sa kaniya ay lagi ka nalang magugulat na nasa tabi mo na pala siya ng hindi mo namamalayan.

Natapos kami sa pamimili at agad kaming sumakay sa karwahe patungo sa Entasia Akademia. Hindi ko akalain na malayo pala ang aming lalakbayin kaya naman hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising lang ako dahil sa pagtapik sa aking pisnge. Napatingin naman ako kay Lola na nakapameywang sa harap ko.

"Sanayin mo ngang nakatikom yang bibig mo para hindi natulo ang iyong laway" mataray nitong pangaral sa akin kaya naman napairap nalang ako at pinunasan ang laway sa aking baba.

Entasia Akademia: The AbsoluteWhere stories live. Discover now