Manunulat

130 10 0
                                    

Manunulat

Ako'y isang Manunulat
Kwentong pag-iibigan ang isinusulat
Ngunit sa romantikong pag-ibig ay di pa naranasan.

Ako'y isang Manunulat
Pangalan namin ang siyang ginamit sa mga tauhan
Ng sa gayon sa kwento na lamang mararanasan ang tamis ng kaniyang pagmamahal.

Ako'y isang Manunulat
Iba't ibang kategorya isinusulat
May tula at kwentong pag-iibigan
Upang maipabatid sa kaniya
Ako'y mayroong pagsinta.

Ako'y isang Manunulat
Isang kategorya lamang ang naisulat
At ito'y sa kategoryang may kinalaman sa mga tula
Upang kahit papaano sa pamamagitan nito malaman niyang ako sa kaniya'y may lihim na paghanga.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Where stories live. Discover now