Pag-ibig Na Hindi Kayang Masuklian

29 0 0
                                    

Sa pagdaan ng mga araw
Pagsinta ko para sayo iyo sanang matanglaw
Sa paglipas ng panahon
Tadhana'y sanay maging mahinahon

Ang kaligayahan ko'y walang pagsidlan
Nang ngiti mo'y akong nasulyapan
Ngiting kay gandang pagmasdan
Mahal pakiusap iyo sanang maunawaan
Ang pag ibig ko para sayo iyo sanang masuklian.

Mahal pakiusap kahit minsan man lang
Ako sana'y pagbigyan
Hiling ko na sana ako'y iyong pagmasdan
Upang iyong maunawaan na ang damdamin kong ito para sayo ay hindi kailanman mapapantayan.

Date published: February 8, 2023
             2:01 pm

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon