Nakikita Kita

33 2 0
                                    

Mahal sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga tala sa kalangitan
Ikaw agad ang aking nasisilayan
Ngiti mong nakakabighani
Na siyang di mo mabura sa iyong labi

Sa tuwing inaalala ko ang sa atin
Di ko mapigilang awatin
Ang pusong sa iyo lamang palagi
Hindi ko mawari kung bakit ang tadhana ay masyadong galit sa atin

Di ko ginusto na tayo'y magkawalay
Ikaw at ako tayong dalawa ay pinaghiwalay
Di ko alam kung hanggang kailan ko ito kakayanin
Na ikaw ay wala na sa aking piling.



Date: February 5, 2023
Time: 12:56 am

PS: Hindi ako makatulog

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon