Ikaw Lamang Sinta

53 5 0
                                    

Ikaw lamang sinta
Ang mamahalin ko sa tuwina
Pag-ibig ko'y sa iyo lamang at ika'y nag iisa
Dito sa puso ko, ikaw lamang at wala ng iba

Sinta ko hihintayin ko ang pagbabalik mo
Kahit matagal man ang proseso
Ayos lang basta't makasama lang kita sa aking palasyo
Palasyong tayong dalawa ang magtatayo at magpapalago

Sinta huwag mo rin sanang kalimutan
Na kahit saang lugar nakahanda ako upang ika'y samahan
Ang pangako mo ang siyang aking pinanghahawakan
Na kahit anong mangyari hinding hindi mo ako bibitawan.

PS: SKL kaka rewatch ko lang ng Walang Hanggan kaya hayun nakagawa ng bagong tula at syempre hindi ko mapigilang lumuha😭.

Date: January 28, 2022

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Where stories live. Discover now