Sa Araw Ng Pasko

59 3 0
                                    

Sa araw ng pasko
Ako'y maghihintay sayo
Ang araw ng pagbabalik mo
Ang araw kung kailan ulit tayo mabubuo

Sa araw ng pasko
Tanging hiling ko
Sana ay hindi na tayo
Muling magkakalayo

Sa araw ng pasko
Ang saya ng bawat tao
Ang bawat isa'y nagbibigay regalo
Regalong walang katumbas na kahit ano

Sa araw ng pasko
Ang bawat pamilya ay nagsasalo salo
Masaya at kompleto
Puso ng bawat isa ay may ngiting itinatago.

PS: MERRY CHRISTMAS EVERYONE
ALWAYS STAY SAFE I LOVE YOU ALL.❤️❤️

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Where stories live. Discover now