Ang Saya Maging BMS

80 8 3
                                    

Ang Saya Maging BMS

Taong 2017 nang aking nabasa
Ang nobelang obra ng Binibining maganda
Nobelang mapupulutan ng aral at pag asa
Nobelang naging sanhi kung bakit ako ngayo'y namulat sa ganda nitong ating bansa

Noon ako'y walang pakialam nitong ating bansang
Buong tapang pinaglaban ng ating mga bayaning
May iisang hangarin walang iba kundi Kapayapaan at kalayaan ay muling mamayani

Sa napakagandang nobela
Na gawa ng napakaganda at napakahusay na Binibining ating nakilala sa pangalang Mia
Aking nahinuha na sa ating buhay
Hindi palaging ikaw ang nasa angat at matiwasay

Sa nobela ring ito nakilala ko ang isa sa mga Ginoong bumihag sa aking munting puso
Na ating nakilala sa pangalang Juanito Alfonso
Siya'y nasa libro lamang nananahan
Subalit sa aking puso't isipan siya'y laging laman

At sa aking hinuha ako sa kaniya'y walang pag asa
Sapagkat puso niya'y pag aari na ng iba
Isang Binibining ating nakilala sa pangalang Carmela Isabela
Na sa kaniya'y nagligtas mula sa kamatayang sadya

Bago ko tatapusin ang mensaheng ito
Ako'y may gustong pasalamatang tao
Na walang iba kundi ang Binibining nagpamulat sa akin sa ganda ng kasaysayan na mayroon ang bansang ito
Dahil po sa inyo aking minahal ang ating kasaysayan
At ako'y hindi na masyadong napamahal sa kultura ng mga dayuhan

Binibining Mia na siyang ina naming mga Sunshines
Ako sa inyo'y lubos na humahanga at nagpapasalamat
Sapagkat kami ay iyong pinamulat
Sa ganda nitong ating bansa
Na ngayon ay nasadlak muli sa dusa
Na Covid 19 ang siyang pakana

Inay Mia sana po balang araw kayo'y aking makaharap at makausap
At tayo'y makapagkwentuhan at makapagkamustahan.

PS: Maligayang Ika-apat na Anibersayo sa atin mga kapwa ko Binibining Mia's Sunshines patawad ngayon lamang ako nakapagbati.🌻🌻

Date Published: 08/22/2021

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Where stories live. Discover now