3. Tea Party

3.1K 287 89
                                    

Eivel

I was frozen in my place, surprised. Napatulala ako sa pintuang may mukha sa harapan ko at nagagawang magsalita. T-This is really an Alice in the Wonderland themed area.

That's when it hit me. The reason why there are no other people or NPCs here. Dahil ang mga character mismo sa laro sa area na 'to, ay ang mga gamit, katulad ng sa Alice in the Wonderland mismo.

"This is where Mad Hatter is!" Masiglang sambit ng pintuan.

Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin. Pasimple kong tinignan ang paligid at mabilis na pinagmasdan ang mga bagay-bagay. Red and white ang kulay ng mga tiles, walang ibang gamit kung hindi ang pulang pintuan din sa harapan ko.

Sage is not here, and I can't hear Kid's shouts... sa iba ba sila napunta?

"So? Can I challenge the Mad Hatter here?" Kalmadong tanong ko. The door's smile widened.

"Yes! But! before that..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi niya tinuloy ang sasabihin niya at kusang may bumabang maliit na salamin na lamesa mula sa itaas, kung saan ako nanggaling at kung saan maraming gamit na lumutang.

Sa itaas nito ay ang iba't ibang klase ng cookies. An iconic scene, did Sage and Kid ate one too?

"You're... invited..."

"To a tea party!"

Tumaas ang dalawang kilay ko sa narinig. A tea party?

"It was arranged by the Mad Hatter himself! It's flawless, in order, and well organized." Masigla pero may pagkaseryosong sambit ulit ng pinto. Hindi ko alam pero may tono ang pananalita niya. 

But his point is, the tea party was already fixed, already arranged. 

"The Tea party will start at 1PM!"

"It will be a costume themed tea party, so make sure to fit in!"

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Agad akong napatingin sa suot-suot kong uniporme. We don't have anything else with us, except Sage's lollipops. 

"I don't have any-"

"That's what the cookies are for!" Pagputol niya sa sasabihin ko.

Nalipat ang tingin ko sa mga cookies. All of them have different sizes and colors. Ang pagkakapareho lang nilang lahat, ang ang mga salitang 'eat me' na nakasulat.

Napalunok ako nang malalim bago mabilis na nag-iisip. In the movie, Alice in the Wonderland, sizes niya ang nagbago no'ng kumain siya ng mga cookies. But according to the door, it has something to do with our costumes.

I can't help but to think... what kind of costumes does the door really means?-

"Okay! The tea party is about to start, enjoy!" Biglaang sambit ng pinto na kinabilis ko.

I didn't picked any color or size, kung ano lang ang mahawakan ko ay kinuha ko na at sinubo. Nagmamadali akong lumapit sa pinto ang unti-unti itong bumukas.

"Enjoy the tea party, player!"

Sumalubong sa akin ang maliwanag at makulay na kapaligiran. As if I'm back again in the forest. May malalaki at makukulay na ga kabute sa paligid na sinamahan pa ng malalaki at makukulay rin na kakaibang mga halaman.

Sa gitna ay may pahabang lamesa na may makulay na table cloth. There are different kinds of snacks, desserts, and teas at the top of it, together with different kinds of accessories. At the end of the table, there's a huge golden grandfather clock.

The time is 12:40PM, the tea party will start at 1PM.

Doon ko lang napansin, may pitong upuan na nakapalibot sa lamesa. Tig-tatlo sa magkabilang gilid at isa sa kabilang dulo. There are 2 slots left. Nandito na ang ibang mga bisita, pero sa kanilang lahat, napako ang tingin ko sa isa.

Kusang namilog ang mga mata ko at umuwang ang bibig. T-There's 0% chance that what I'm seeing right now is real!

Prente lang siyang nakaupo sa isa mga upuan, tahimik at casual na umiinom ng tsaa. I can still recognize him because his face didn't changed that much, in fact, his face didn't changed, there's just something in it!'

Napakurap-kurap akong lumapit sa kaniya, hindi pa rin makapaniwala. Nang makalapit ako nang tuluyan ay roon niya lang ako napansin. Natigil siya sa pag-inom ng tsaa at umangat ang tingin niya sa akin.

He looked at me with his tired eyes, as if there's nothing wrong.

"S-Sage-" Pagtawag ko sa kaniya. Tumaas ang hintuturo ko at hindi ko siya makapaniwalang tinuro. "What the heck happened to you?!"

Walang reaksyon sa sinabi ko ang lalaking kaharap ko. Gumalaw-galaw lang ang dalawang tenga niya sa ulo.

Yes, ears. He has 2 more cat ears on the top of his head, whiskers, and a freaking cat's tail! Sage is a cat!

"W-What the fuck happened-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang walang ganang itinaas ni Sage ang hintuturo niya at tinuro ito sa akin. I looked at him, dumbfounded.

Napakurap-kurap ako bago mapatingin sa sarili kong tinuturo niya. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang mga nakikita ko. Napatingin ako sa mga palad kongmalambot? Nagsara-bukas ang mga kamay ko.

I have a fluffy white fur... my nose crinkled, doon ko napansin na iba na rin ang ilong ko. I also have whiskers... I can feel my long... long ears. I-I'm a...

"Bunny." Maikling sambit ng lalaking kaharap ko.

Unti-unting namilog ang mga mata ko nang matauhan ako sa sinabi ni Sage. Mabilis akong napahawak sa sarili ko.

I-I'm a freaking bunyy!

Akala ko costume party?! Bakit kami mismo ang naging costume?!

"Relax, it's just a part of the game." Kalmado at walang ganang sambit ng lalaking kaharap ko.

Kumuha ng lollipop si Sage sa bulsa. Binuksan niya ito at sinawsaw sa tsaa bago isubo. 

"It looks cute anyways."

Napaismid ako sa sinabi niya bago mapaupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. It may be a part of the game, but it's making me uncomfortable. Lalo na nararamdaman ko ang bilog na buntot sa likuran ko. Hindi maipinta ang mukha ko habang naka-upo.

Mabilis ko na lang inilagay sa iba ang atensyon ko. Come to think of it, wala pa si Kid-

"E-Eyo..."

Parehong nalipat ang tingin namin ni Sage sa bagong dating. Agad akong napangiwi nang makita kung ano ang nangyari kay Kid. 

Hindi niya magawang makatingin sa amin nang deretso. Sa balikat niya ay ang guinea pig na nagpipigil ng tawa. Kita ko ang pamumula ng mukha ni Kid na sa tingin ko, ngayon lang nakaramdam ng hiya.

I meanwho wouldn't? 

His blonde hair became long, he has a ribbon on the top of it. Compared to us who looks like animals, Kid remained as a person.

If Sage is a cat and I'm a bunny... here comes Alice.

✘✘✘

Game Of Life: Volume 2Where stories live. Discover now