25. The Maid

2.1K 171 32
                                    

Eivel

Tunog ng takong ng sapatos ko na tumatama sa carpet ang nagsisilbing ingay habang naglalakad kami ng kasama ko.

We're on our way to our first suspect, the person who saw the body first, Minervathe maid. 

According to Antonio, she was with him during midnight but around 12:30, she left first. Which I found normal if there's no crime that happened. 

Normal lang 'yon dahil isang maid si Minerva, at kailangan niya ring tumulong sa chef sa trabaho nito. But it wasn't the case here, may krimen na naganap. At naganap ang krimen na 'yon no'ng mga oras na umalis siya.

I can't let that pass even though it's normal. Kailangan ay may matibay siya na alibi lalo na't siya pa ang unang nakakita sa katawan ng biktima.

"Kid, patingin ng mga sinulat mo." Sambit ko habang naglalakad.

Iniangat ko ang kamay ko at nakaabot ito sa likod ko, naghihintay na ibigay sa akin ni Kid ang memo pad. Nagmamadali naman niyang inabot sa akin ang papel.

Seryoso ang ekspresyon ko nang tinignan ko ito na mabilis ding nagbago. Kumunot ang noo ko habang binabasa ang nakasulat na sinulat ni Kid sa sapat na oras na nando'n kami sa kitchen kanina.

Don't get me wrong, I'm surprised to see his hand writing. It's even better than mine. But the thing is...

'Kitsen- im antonyo. 8 yirs. gummi bers. me, made, chofer, patrick waffer end sun.'

Hindi maipinta ang mukha ko. 5 to 7 minutes? I guess more than that... iyon ang oras kung gaano kami katagal sa kitchen. Hindi naman isang essay na kailangan ng 5000 words ang pinasagot ko sa chef para hindi maisulat ni Kid ang mga sinabi niya.

For pete's sake, out of all the things that Antonio said, Kid wrote 14 freaking words.

And what the fuck is gummi bers? Antonio didn't even mentioned it!

Nahinto ako sa paglalakad na kinahinto rin ni Kid. Napasulyap ako sa kaniya na seryosong nakasilip sa balikat ko at binabasa rin ang nakasulat sa memo pad. 

He didn't realized that I was staring at him for a couple of seconds. He then looked at me, raising both of his eyebrows, confused.

"E-Eyo? Bakit?" Marahang tanong niya. Tinitigan ko lang siya at matapos ng ilang segundo ay napaismid siya at mariing napapikit. "Sabi na eh, alam ko na."

"K-I-T-S-I-N noh? Hindi K-I-T-S-E-N. Sorry, nakalimutan ko kasi eh-"

Pinukpok ko sa ulo ni Kid ang hawak-hawak kong memo pad. Alam kong tatanga-tanga si Kid. Pero mas tanga ako kasi hinayaan kong siya ang magsulat ng mga impormasyon na nakukuha namin.

"E-Eyo! Bakit? Sorry na nga eh! Naguluhan lang ako sa E at I!"

Nanggigil akong nakahawak sa memo pad at pinipigilan ang sarili kong ihampas ulit sa kaniya ang papel. Goodness sake, there's 0% chance that Kid won't make my blood boil!

"Tsk! Listen! Tagalog, makinig ka ha!" Seryoso kong ihinarap sa kaniya ang papel. "Ang isulat mo na lang, ung ORAS! ORAS! ORAS! Ayan, tatlong beses kong sinabi, isa pa, ORAS! Iyong mga oras na mababanggit nila!"

Inis kong inilapit sa dibdib niya ang memo pad. Iritado ko siyang tinalikuran at nagsimula ulit akong maglakad.

Oras na lang ang hinihingi ko, sana naman ay magawa na ni Kid 'yon. With those, I can at least remember what they were doing at that time.

Even though I'm still irritated, we continued walking in the hallway. It didn't also take long for us to find the room that Antonio was talking about. 

The last room at the right wing of the mansion... Minerva's room.

Huminga ako nang malalim nang nasa tapat na kami ng pinto. Nasa gilid ko si Kid na mausisa ring nakatingin dito. Hinanda ko muna ang sarili ko bago marahang kumatok dito.

I only knocked once and was about to knock twice when the door immediately opened. Pareho kaming napaatras ni Kid nang bumukas ito.

Sumalubong sa amin ang isa namumutlang babae. Nakapusod ang buhok niya at nakasuot din siya ng pang-maid na damit. She also has dark circles under her eyes that shows that she haven't slept yet and she's been crying.

Ilang beses siyang kumukurap kada segundo at malikot din ang mga mata niya. Hindi niya rin magawang makatingin sa akin nang deretso.

Minerva
The Maid

This is what Antonio meant when he said she was traumatized...

"Miss Minerva, we're here to investigate about the crime that happened." Panimula ko. "I would like to ask for your help. Can you answer some of our questions?"

Ilang segundo rin kaming nagkaharap bago siya dahan-dahang tumango. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto senyales na pinapapasok niya kami ni Kid sa loob.

Nagkatinginan muna kaming dalawa ng kasama ko bago magkasunod na pumasok. Isang maliit pero presentableng kwarto ang sumalubong sa amin. Just a neat bed, a side table and a small chair, and a small closet.

Naupo si Minerva sa kama at lumapit ako sa kaniya, habang naglakad-lakad naman si Kid sa loob ng kwarto.

Kinuha ko ang maliit na upuan nang hindi nawawala ang tingin ko sa babaeng kaharap. Itinapat ko ito sa kaniya at dito ako umupo.

"I know it must be hard for you, specially that you saw it first. But we need your statement for us to solve this case." I seriously said. Pansin kong magkadikit ang mga kamay ni Minerva na nakalagay sa hita niya at hindi mapakali.

"May I know where were you during the time, 12-3 in the morning."

Napalunok ang babaeng kaharap ko na tulala sa lapag. "D-During midnight... I was in the kitchen, helping Antoniothe chef." She answered. Tinignan ko si Kid para siguraduhing sinusulat niya ang oras kagaya ng inutos ko sa kaniya, na ginagawa naman niya. "But after half an hour, I left because I needed to sleep, for I need to wake up early than usual."

Pasimpleng naningkit ang mga mata ko nang nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "Early than usual? What for?"

Namamasa ang mga mata ni Minerva at halatang paiyak ulit habang inaalala ang mga nangyari.

"Before midnight, the Lord asked me to give him some tea early in the morning. He's going to wake up early and prepare before his visitor visits."

Parang bumigat ang pakiramdam ko sa narinig. May salita siyang nabanggit na tumatak sa isipan ko.

"Quarter to four, I prepared his tea and went to his office... t-there..."

Nahinto si Minerva sa pagsasalita. I can see the terror on her face when she remembered the incident.

Kusa akong napaiwas ng tingin. I casually stood up. "Thank you so much for your cooperation." Sambit ko kahit alam kong hindi na pumapasok sa isipan ni Minerva ang mga sinasabi ko.

Walang ekspresyon ko siyang tinalikuran na madali ring napansin ni Kid. He looked pityingly at the maid first before following me leave the room.

"E-Eyo, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya.

Hindi ako sumagot, bagkus ay seryoso akong deretso ang tingin.

The maid's statement was a huge a help. Even though she's the first suspect, sapat na ang mga salitang binitawan niya para maging isang alibi.

At first, you might think that it's the 'visitor' that she mentioned that caught my attention. After all, nabanggit na 'to ng chef at hindi na 'to isang coincidence. 

But the things is, the word that caught my attention was the word that has not yet been mentioned.

The tea.

✘✘✘

Game Of Life: Volume 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora