30. The Challenge

2K 165 27
                                    

Eivel

Bingo.

That person... is lying.

That person... is definitely the killer.

Now that I think about it, everything makes sense now. Ang mga clues na wala akong kaide-ideya kanina ay nagkakaroon na ng mga kahulugan ngayon.

Ngayon... ngayon alam ko na kung saan galing ang mga bagay na hindi ko maintindihan kanina. Walang pasintabi akong lumabas ng pinto na agad nakakuha ng pansin ni Kid.

"E-Eyo, alis na tayo?" Naguguluhang sambit niya habang sumusunod sa akin.

I smirked. "Ako pa, tapos ko na ang challenge." Puno sa sariling sambit ko.

Lumiwanag ang ekspresyon ni Kid sa narinig at nagmamadaling tumakbo papalapit sa akin.

"Nice! Natapos mo na ung pinapagawa nung si Cherlock."

Napangiwi ako. "It's Sherlock."

"But yeah, I already finished his challenge-"

Nahinto ako sa paghakbang nang para akong nabingi sa sinabi ko. May kung anong matinis na tunog ang dumaan sa tenga ko na nagpalaho ng ngisi ko sa labi.

Sherlock's challenge-

Is to find out who the killer is... and find the murder weapon. 

Bumagsak ang magkabilang balikat ko at parang nawalan ng kulay ang balat ko. My expression immediately changed and my jaw dropped.

T-The freaking murder weapon-

WHERE THE FUCK IS THE MURDER WEAPON?!

"Eyo, puntahan na ba natin si Sa- EIVEL!"

Napasinghap si Kid nang makita akong nagmamadaling bumaba ng hagdan. Hindi ko siya hinintay na makasunod sa akin at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.

Imbis na ang pintuan palabas, kung nasaan naghihintay sa labas si Sherlock, ako dumeretso ay kumaliwa ako ng daan. I went straight to a place we've been to just a couple of minutes agothe kitchen.

I bit my lower lip out of frustration. Shit! Shit! Shit!

Masyado kong pinag-isipan mabuti ang killer na nakalimutan ko na ang isa pa namin kailangang mahanap. For pete's sake, my mind was too preoccupied that I forgot that I still need to find another thing.

The Murder weapon!

Dahil hindi siya nabanggit sa imbestigasyon, at dahil iba-iba ang mga impormasyon na binigay ng mga suspects, nawala 'yon sa isipan ko!

We only have less than 10 minutes left, and now, we still need to find the murder weapon.

I don't have any other clues about it yet... except for that thing.

Mabilis kong nakuha ang atensyon ni Antonio, ang chef, nang nagmamadali akong lumapit sa mga kagamitan sa kusina. Hindi rin nagtagal ang pagsunod sa akin ni Kid dito.

"E-Eyo, Eivel, akala ko ba okay na-"

Binaliwala ko ang pagsasalita ni Kid at agad na umikot ang paningin ko sa kabuoan ng counter na kaharap ko. Knives at the counter, tools below the drawers, sharp objects at the top of the closet. Anything that can cause a serious injury and might cause death.

I need-

I need just one! One thing!

But I can't see anything that is at least, close to it!

"A-Ano ba hinahanap mo?" Nakitingin na rin sa counter si Kid kagaya ko.

"A-A weapon! Ung ginamit sa pagpatay!" Napaismid ako habang patuloy sa paghahalungkat ng ng mga gamit.

"Shit! Hindi ko makita." Medyo napalakas ang paghampas ko sa lamesa. "Wala tayong clue na nakuha kung saan 'to pwedeng makita."

Napamewang ako at napaisip ulit. 

Did someone mentioned it? Or did someone dropped a clue?

In the kitchen... room... automobile... maybe, the storehouse?-

"Eivel, clue ba?" Marahan akong tinapik ni Kid.

Iritado at nakasimangot akong humarap sa kaniya. "Not now, I'm thinking."

"Pero, check mo ung mga pinasulat mo sa 'kin-"

Iniharap sa akin ni Kid ang mga gamit na dala-dala niya. Napairap akong umiling. "Kid, I'm thinking." Mariing sagot ko.

I told him to write the time only, hindi ko pa alam kung naisulat niya pa 'yon ng tama. Imbis na tignan-

Balak ko sanang ialis ang tingin ko sa pinapakita ni Kid sa akin nang may nakakuha ng pansin ko.

"Eivel, check mo na. Tama na ung mga spelling ko-"

I raised my hand, gesturing him to stop. Parang kumikislap ang mga mata ko sa nakikita ko, sa pinakita sa akin ni Kid.

That's it...

"You're freaking awesome, Kid." Kumento ko.

Nakaawang ang bibig ni Kid sa sinabi ko at tumaas ang dalawa niyang kilay. He looked at me, dumbfounded.

"Let's go. Case solved."

-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶

5 minutes? 

I guess less than that, is the time we solved the case.

Parang ilang oras akong nasa loob ng malaking mansyon, pero ilang minuto lang kami ni Kid nag-ikot sa bawat silid dito. Ilang minuto lang naming nakausap ang bawat isang taong nasa loob nito ngayon.

The moon light greeted us as we opened the front door. Tumama kaagad sa akin ang simoy ng hangin, kasabay nito ang ang pagtalim ng tingin ko sa lalaking naunang nakalabas sa amin.

As expected to a game prodigy, with just a magnifying class as his equipment, and alone, he solved the case.

"It took you longer than I expected," Bungad sa amin ng lalaking nasa tapat ng mansyon. Hindi naiilawan ng ilaw ng buwan ang mukha niya dahil sa suot-suot niyang sumbrelo. "Well, let's forget about the small details."

Humithit si Sherlock mula sa kaniyang tobacco pipe. "Have you solved the case?"

Sage took a step closer to him, with his hands on his pockets.

Nanatili lang kami ni Kid sa tapat ng pintuan, nakatayo at nanonood sa kanila. We also solved the case, but I'm letting Sage have this one. After all, even if it hurts my pride, he solved this on his own and finished faster than us.

I guess... he beat me this time.

"It was a little confusing at first, I must admit." Pangunguna ni Sage. Umangat ang tingin niya sa lalaking kaharap. "But in the end, it was still simple as slicing a cake."

I saw Sherlock smirked. "I hope that your confidence is not for show only."

"Then tell me, who is the killer?"

With an expressionless face, Sage spoke...

"The killer is..."

✘✘✘

Game Of Life: Volume 2Where stories live. Discover now