11. Monopoly

2.9K 250 53
                                    

Eivel

Lahat ng tingin namin ay nasa malaking board game sa lapag. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin dito.

Monopoly... huh.

It's one my guesses. Monopoly is a board game that has banker, like it's croupier. May kinalaman dito ang pera. To be exact, kailangan mong magpayaman sa larong ito sa pamamagitan ng pagpaparami ng stocks, investments, properties, etc.

I played it a couple of times before and I admit, it's not that easy. Hindi lang utak ang pagaganahin mo dahil kailangan mo rin dito ang swerte. Naka-depende sa posisyon na malalapagan mo ang desisyon na kailangan mong gawin.

But the number one rule is that... don't, be, bankrupt. 

Bumuntong-hininga ako. I actually... don't believe in luck. Naniniwala akong hindi totoo ang swerte dahil lahat ng gawin mo ay may kapalit. It's not luck or bad luck, it's just the outcome of your performance and acts. If we lose, it's not because we're unlucky, it's just because we lacked skills and experience.

"As you can see, it's a huge board game of Monopoly!" Masiglang sambit ng Mad Hatter. Inilibot niya ang dalawa niyang kamay sa napakalaking board. "That's what we're going to play!" Dagdag niya.

"The mechanics are still kinda same, you're all given with 1,500 dollars in the start of the game. The objective is to become the wealthiest player until," The Game General took a remote out of his pockets. Pinindot niya ito at nalipat ang tingin namin sa malaking timer sa itaas. "The time runs out."

10 minutes. Tanging sampung minuto lamang ang nasa timer. Kailangan naming maging mayaman sa loob ng sampung minuto.

"Tsk," Rinig kong pag-ismid ni Sage habang nakatingin sa timer.

"You yourselves are the players, and as for me," Nakangisi at mapagmalaking itinuro ng Mad hatter ang sarili niya gamit ang dalawang hinlalaki. "I'm the Banker."

"And by the way," Nalipat ang tingin niya sa board game. Doon ko napansin, maliban sa iilang kulay ng mga spaces sa itaas para sa mga properties, wala ng ibang nakalagay pa.

The properties themselves, the community spaces, the chance spaces, etc. Walang nakalagay.

The Game General showed a grin. "You'll never know what space you'll land on unless you already landed on it."

Ramdam ko ang mga patagong ngisi ng mga makakalaro namin sa narinig. That's when I knew that it's not going to be what we should expect.

"That's it! Do you have any-"

Itinaas ko ang kanang kamay ko. "The rules? Aren't you going to talk about the rules?" 

Walang buhay ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. Nalipat ang lahat ng atensyon nila sa akin dahil sa sinabi ko. The Mad Hatter paused for a moment before showing that grin of his once again.

"There's no need for rules. Just... just play the game and be rich." He smirked. "Well then, we will give you 2 minutes to talk with your team. Good luck!"

The Mad Hatter clapped 2 times before disappearing in front of us. Hindi pa rin nawawala ang mapanghusga kong tingin sa direksyon niya bago malipat ang atensyon ko sa mga kasama ko.

"Looks like we're going to get fucked up." Casual na sambit ni Sage nang magkaharap-harap kami. "Anong klaseng laro ang walang rules?" Dagdag niya.

"Tsk, we have no other choice. There's 0% chance that this is going to be a fair game." Walang ganang sagot ko.

"Eyo! Ano bang lalaruin daw?" Pagsingit ni Kid.

Hindi maipinta ang mukha ko nang malipat ang tingin ko sa kaniya. Yeah, we're going to get fucked up.

"Still, kailangan nating manalo." Muling sambit ko. "Kahit isa lang sa 'tin, kailangang makaipon ng maraming pera."

"Just buy properties, we have to get the same colors as possible. If it's too risky, don't do it. We shouldn't trust the banker." Dagdag ni Sage.

"Eyo! Mag-iipon ba ng pera? Magpapayaman?!" Masiglang sambit ni Kid. He looks excited for no reason. "Magaling ako riyan! Swerte kaya ako! Lagi akong tinatabi rati ng tita ko sa tongits kasi swerte raw ako."

Kumunot ang noo ko. Tongits? Isn't that a card game? And children shouldn't be brought in gambling-

"Time's up!" Biglaang pag-echo ng boses sa silid. Sumulpot sa gitna ng board game ang isang maliit na lalaki na may hawak ng mic. May nakalagay na mga malaking piggybank sa likod niya kung saan nakalagay ang mga pangalan namin sa bawat isa at isang vault.

"Players! Go to the starting point!"

Habang nagsasalita ang Game General ay sinunod namin lahat ang sinabi niya. Naglakad kami ng mga kasama ko, kasabay ang mga kalaro namin papunta sa starting point ng board game.

"We agreed to let the players of the game start first! For the first player, please take the two dice on the starting point!"

Naningkit ang mga mata ko sa narinig. Huh? Kami ang mauuna?

Para sa iba ay iisiping mas mabuti 'yon, lalo na't may timer din na pinag-uusapan. Pero sa laro ngayon, hindi 'yon magandang ideya.

I glanced at the board game. Hindi namin alam ang mga pwesto ng mga dapat naming iwasan, kahit ang mga presyo mismo ng mga properties!

"As of now, all of you has 1,500 dollars on your bank accounts!" Nahulog ang mga pera namin sa piggybanks. "Let the games begin!"

Pasimple akong napaismid habang nakatayo sa starting point. Kailangan naming uman-

"Ihahagis ko lang 'to 'di ba?"

I literally paused for a moment when Kid asked. Kaunting nakaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kaniya na may hawak-hawak na dalawang dice.

"H-Hey Kid! Ikaw ang mauuna?!"

"Eyo! Oo! Swerte nga 'ko hindi ba?" He showed his iconic smile of his. "Ako pa!"

"Pero!-"

"Let him be." Walang ganang sambit ni Sage. Narinig ko ang pagkagat niya sa lollipop niyang subo-subo bago iluwa ang stick na natira. "Let's just focus on winning."

Tanging pag-ismid ang nasagot ko sa sinabi niya. I freaking know that. It's not like I'm not trusting Kid... but it's too risky and dangerous. Hindi namin alam kung ano ang tinatago nila at meron sa laro.

"Eyo! Ihahagis ko na!"

Ibinuwelo ni Kid ang dalawang kamay niya habang hinahalo-halo ang dalawang dice. Nang hinagis niya 'to sa ere ay kusa itong lumaki para makita namin nang maayos kung saan ito nag-landing.

"Isa... dalawa... tatlo..." Isa-isa pang binilang ni Kid ang bilog sa dice para malaman kung ilan ito. "Nice! Payb tas por..." Itinaas niya and apat niyang daliri at lima sa kabila. "Payb plus por... payb plus por..."

"Tsk! Nine! Siyam! Humakbang ka ng siyam na beses!" Inis na sambit ko.

Nakangiting napakamot sa batok si Kid sa sinabi ko. "Hehe, salamat!" He innocently said. "Basta, ako ang bahala!"

Napabuntong-hininga na lang ako habang humahakbang si Kid ng siyam na beses. Pero agad ko rin itong tinignan nang mabuti para malaman kung saan siya magla-landing.

"Six, seben, eyt... nayn!"

He landed on the ninth space. It took a couple of seconds before the space showed where he landed.

Napaawang ang bibig ko nang makita kung ano ang nakasulat. Pare-pareho kaming natigilan dahil sa bungad ng laro sa amin.

Kid... swerte nga.

'GO TO JAIL.'

✘✘✘

Game Of Life: Volume 2Where stories live. Discover now