7. Time check

2.7K 269 27
                                    

Eivel

Natahimik ang babaeng kaharap ko sa sinabi ko. Wala na siyang mabato sa amin ngayon at napatikom ang bibig niya. Serves her right. 

There's 0% chance that I will let anyone belittle my team... I'm the only one who can do that.

I think I saw Sage smirk at the corner of my eye. Pero nang sulyapan ko siya ay walang gana lang siyang nakasandal sa upuan.

Maybe it's just my imagination.

"Then what should we do now? Everyone has a proof for their statement." Marahang tanong ni Miss Candine, bakas sa boses ang pagkainip.

Walang nakasagot sa tanong niya. Pare-pareho lang kami ng nasa isip ngayon... pero meron akong isang pinaka-pinaghihinalaan. Ang babaeng dinidiin kami... si Lady Sly.

Everyone started doubting one another once again, trying to find who's the uninvited. Before we all know it, time quickly passed.

Time check, it's 12:57PM, 3 minutes before the tea party starts.

Tatlong minuto na lang at magsisimula na ang tea party, hudyat na matatalo kami sa unang challenge. Ni hindi pa man lang namin nakikita ang Mad Hatter.

I tried asking Lady Sly but she always has an alibi. To my surpriseor not, Sage was quiet. It only means he's thinking. Nalipat ang tingin ko sa isa ko pang katabi. Kid is also quiet. It means that he can't think of anything.

Malalim akong bumuntong-hininga. Ano na ang gagawin-

"Eyo, Eivel." Biglaang pagbulong ng lalaking kababanggit ko lang. Mabilis akong napatingin kay Kid nang lumapit siya sa akin para bumulong.

"May tanong ako." Dagdag niya.

I heaved a sigh once again. "Ano 'yon?" Walang ganang sambit ko.

Umayos ng pagkakaupo si Kid bago magsalita ulit. "A-Ano kasi... anong oras darating si Mario? O si Luigi?"

Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago ko magawang makasagot. Hindi maipinta ang mukha ko nang tapunan ko ng tingin si Kid. Is he serious?

"Tsk, tsaka na 'yan, Kid. May kailangan pa tayong gawin ngayon." Mahinanong sagot ko.

"Alam ba nila na ngayon 'yon? Makakapunta pa kaya sila?" Sunod-sunod na tanong niya.

Napangiwi ako. This is all Sage's fault. If he-

Bigla akong natauhan. Ilang segundo rin akong napatulala nang unti-unting nagsipasukan sa isipan ko ang mga maliliit na clues na nabigay at hindi binigay na para bang may pinaparating.

Napagtanto ko lang nung may nabanggit si Kid... nabanggit niya ang isang bagay na hindi ko naisip. Kid flinched when he realized I'm acting weird. Mabilis akong napatingin sa kaniya na kinabigla niya bago mapatingin sa nasa paligid namin.

It's exactly 12:58PM, 2 minutes before the tea party starts. I don't know if I'm right... and if I'm not, then we will lose.

Tinapunan ko ng tingin si Sage. Hindi kaya... alam na niya 'tong nasa isip ko?

"I think I know how we can solve this." Biglaang sambit ko dahilan ng pagpunta sa akin ng lahat ng atensyon na nandito.

Kumunot ang noo ni Grumpy, huminto sa pagkain si Mr. Tea, nakatutok sa akin ang tingin ni Miss Candine, at pinagtaasan ako ng kanang kilay ni Lady Sly. Nakita ko rin ang pagtingin sa akin ni Sage.

"What? You found out who's the uninvited?" Marahang tanong ni Miss Candine.

"Who is it then?" Dagdag ni Lady Sly.

Huminga ako nang malalim. I'm still not sure... but all of the clues I have, points at this solution and answer.

"No one."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa sinabi ko. Hindi kaagad naproseso ng mga utak nila ang narinig. Tumaas ang dalawang kilay ni Grumpy at may kani-kaniyang ekspresyon ang iba. Samantalang walang reaksyon si Sage... sabi ko na nga ba, alam na niya.

"H-Huh?" Sarkastikong sambit ni Lady Sly.

Seryoso ko silang tinignan. "No one is uninvited. All of us here are invited."

Kumunot ang mga noo nila, naguguluhan. I mean, we're the one who first stated that there is someone who's not invited in the tea party. Yet, here I am now, saying that no one is uninvited.

"Are you making fun of us?" Iritadong tanong ni Grumpy. "What are you saying-"

"She means that all of us are invited." Pagsali ni Sage. Walang gana pa rin siyang nakasandal sa upuan. "Is that too hard to comprehend?" Dagdag niya.

"But you're the one who said that there is one uninvited. You also have clues and proofs to support your theory." Kumento ni Miss Candine.

"And I was wrong." Deretsong sagot ni Sage. Tinapunan niya 'ko ng tingin. "Go ahead, Miss Genius." Sambit niya sa akin na para bang sinasabi na ipaliwanag ko sa kanila ang gusto kong iparating. 

I nodded in response. "Yeah, our first thought is that one of us is uninvited. Knowing that the Mad Hatter will not a make a mistake, and the clues that points to that presumption."

"But it's not all wrong either, Sage's theory is also half true."

Tinapunan ako ng mapanghusgang tingin ni Lady Sly. "In short, you're playing with us-"

"No. What I mean is that all of us are invited... but not all of us should be here right now."

Muli silang natahimik sa sinabi ko. Sinigurado kong maiintindihan nila ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko at hindi ako magkakamali. Mahirap isipin na hindi ko kaagad napansin 'to at hindi ko man lang napagtanto sa mga sinabi nila.

Salamat sa walang kwentang tanong ni Kid, natauhan ako. Well, it's not really that useless, I mean, sa lahat ng mga sinasabi ni Kid, wala ngang point, pero lagi siyang may natutulong.

Naunahan ako ni Sir Prodigy sa pag-iisip at pagtanto, pero atlis, hindi ako nahuli. All the clues, alibis, and presumptions... it all made sense.

Time check, it's 12:59PM, a minute before the tea party starts and the time we solved the problem.

"Therefore, what I'm saying is..."

"All of us are invited... same place, theme, party, and timebut different days."

✘✘✘

Game Of Life: Volume 2Where stories live. Discover now