Chapter 12

561 29 3
                                    

Chapter 12

Artemis POV

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad pauwi ng meron akong namataang anino hindi kalayuan sa akin. Bakit ba parang hindi ako nilalayuan ng mga anino? Tumigil ako saglit sa paglalakad at tinitigan itong mabuti. Hindi ko kasi ito makita dahil may kadiliman narin.

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko ng kumislap sa dilim ang kulay pulang mata nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng humakbang ito papalapit sa akin. Nanginginig namang umatras ako. Hindi ko alam kong ano ang kaya niyang gawin sa akin. Lalo na at nakakasiguro ako na naiiba siya sa ating mga tao.

Akmang tatakbo na sana ako ng tumigil ito sa kalagitnaan. Nasisigurado kong lalaki ito dahil sa tindig at hulma ng pangangatawan nito. Tumingala ito sa kalangitan na siyang ginawa ko rin. Natatabunan ng makapal na ulap ang langit kung kaya't mas lalong naging madilim.

Malamig narin ang ihip ng hangin, na nagbabadya ng isang napalakas na pag-ulan. May kaunting kulog at kidlat rin akong namataan.Nagbaba na ako ng tingin upang tignan ang anino ng bigla nalang itong nawala sa harapan ko. ' Saan ito nagpunta? ' nagtatakang tanong ko sa sarili ko. Luminga linga pa ako sa paligid upang siguraduhin na wala na talaga ito.

Nagmamadali naman akong humakbang papauwi dahil sigurado akong nag-aalala na sila nanay sa akin. Isa pa ay nag-aalala narin ako para sa kaligtasan ko, dahil sa mga nakita ko kanina. Ano kayang klaseng nilalang ang nakita namin kanina? Nakakakilabot at nakakamangha.

Nakakakilabot dahil sa itsura nito at nakakamangha dahil totoo pala ang mga ganoong nilalang, hindi ko akalain na sa buong buhay ko ay makakakita ako ganon. Pero ang tanong ay ' saan ito nanggaling? ' o di kaya ay ' paano ito napunta dito? '.

Ang isa pang gumugulo sa isipan ko ay kung bakit pinapalayo ako ng matandang albularyo nayon sa mga Vallderama. Ano ba talaga ang sekretong tinatago nila? Hindi ba dapat ay wala na akong pakialam doon dahil wala naman akong koneksyon sa pamilya nila? Tapos paano niya nasabi na ' hindi ko maalala ang pamilya Vallderama? ' Nakilala ko na ba sila noon? Bakit hindi ko manlang maalala?

Ang gulo! Ang gulo gulo na ng isipan ko, idagdag mo pa ang kaibigan ko na parang may tinatago, tapos ay yung sinabi kanina ng matanda na ' ang pamilya Vallderama ay nanggaling sa pinakamataas na uri ng mga---' pinakamataas na uri? Hindi kaya ang ibig niyang sabihin kanina ay nanggaling ang pamilya nila sa pinakamataas na uri ng mga Conde sa Espanya?

Ewan hindi ko na alam ang gagawin ko, ang dami daming gumugulo sa isipan ko, para na akong nasisiraan ng bait dahil sa mga naiisip ko. Malapit na ako sa bahay dahil nakikita o natatanaw ko na mula dito ang bubungan ng bahay namin ng bigla akong nangilabot dahil sa nakakabinging sigaw na narinig ko. Dali dali kong tinakpan ang tenga at umuyuko.

Napakatinis ng sigaw na iyon na kayang basagin ang mga salamin sa paligid nito. Umabot rin ng ilang minuto bago mawala ang sigaw na iyon. Unti unti ay niluwagan ko ang pagkakatakip ng tenga ko at dahan dahang nagmulat ng mata.

Ngunit ganoon nalang ang pagkagimbal ko ng makita ang nilalang sa nakita namin kanina ni Trisha sa mismong harapan ko. Napakalakas rin ng tambol ng dibdib ko. Malalim ang ibinigay na bawat paghinga nilalang na ito dahil bawat paghinga niya naririnig ko.

Napa-upo narin ako sa kalsada dahil bigla nalang nitong nilapit ang mukha nito sa akin. Nanginginig ko namang iniwas ang tingin ko dito. Hindi ko kayang tignan ang matatalim nitong mga ngipin at ang mahahaba nitong sungay. Tinignan ko saglit ang mga kulay itim nitong mata. Napanganga nalang ako dahil kay ganda palang pagmasdan nito.

Parang inaakit ako nito. Kung tititigan mong mabuti ang mga mata nito ay makikita mo ang iba't ibang emosyon na naglalaro dito. Wala sa sariling itinaas ko ang kanang kamay ko at hinawakan pisngi nito. Ipinikit nito ang kanyang mata na parang dinadama ang pagkakahawak ko sa kanya.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now