Chapter 25

379 25 0
                                    

Chapter 25

Akmang bibitaw na ako mula sa paghahalik dito ng mas lalo ako nitong kinabig papalapit sa kanya at mas pinalalim ang halikan naming dalawa. Hindi na ako nagpumiglas pa at nagpaubaya nalang dito.

Alam kong umpisa palang ito ng pag-iibigan at pagsasama naming dalawa. Marami rin kaming pagsubok na pagdadaanan na maaaring ikasisira namin.

Pagsusubok na siyang magpapatibay sa pagmamahalan namin. Pagsubok na siyang tatansiya kung gaano kami katatag sa isa't-isa at ang pagsubok na susukat kung gaano kami nagtitiwala sa bawat isa.

Trust is the fundation of the relationship, without it , relationship might be ruined. Ang kawalan ng pagtitiwala sa taong mahal mo ay nagdudulot ng kumplikasyon sa inyo. Kaya naman labis ang pagtitiwalang ibinigay ko sa kanya, hangga't maari ay magtitiwala ako kay Hades dahil yon naman talaga ang nararapat.

Sa relasyong ito hindi lang kapakanan o damdamin ko dapat kung alalahin kundi maging ang sa kanya. Maaaring may mga bagay man kaming hindi mapagkasunduan pero sisikapin ko, sisikapin naming ayusin ito bago matapos ang araw.

Nang humiwalay ito sa akin ay pinagdikit nito ang mga noo namin at marahang hinawakan ang pisngi ko.

" D*mn! Mi Reina, I thought this time would never come, having you here with me, embracing and kissing you like this is a dream come true---" isiniksik nito ang ulo niya sa leeg ko at marahang hinaplos ang buhok niya "--- 5 years of anguish, Hatred, and longingness, 5 years of being alone in this world full of sorrow and pain, you are the light that comes to me in my darkest day " umalis ito mula sa pagkakasiksik sa leeg ko at ngumiti

"Thank you for coming again in my life Mi Reina---" tumigil muna ito saglit sa pagsasalita at seryoso akong tinignan sa mga mata "---from this day forward I'll promise you that I will do my best to fight for us, I will do everything to keep you this time Mi Reina " sabay halik na puno ng pangungulila at pagmamahal sa akin.

Hades kong ano man ang ikinabahala mo at ikinatatakot mo ay ipinapangako ko na nandito lang ako para sayo.

Humiwalay ito mula sa pagkakahalik sa akin at pinakatitigan ako mata bago ako muling hinalikan sa noo ko. Napapikit at ninananamnam ang kapayapaan na dulot ng halik nito.

Gusto kong sulitin ang araw na ito na kasama siya dahil pakiramdam ko ay may mangyayaring kakaiba. Hindi ko mawari kung ano ito pero masama talaga ang kutob ko.

Merong kaba at takot na namamayani sa puso ko.Pakiramdam ko, ano mang oras ay may matutuklasan ako na ikakawasak ng puso at ikagugulo ang isip ko.

" Hades, alam kong bago palang tayo---" alanganing ngumiti naman ako dito "---pero, puwede mo bang sabihin ang gumugulo sa isipan mo? " napayuko ako dahil dito

" What's with the question Mi Reina? " nakataas kilay na sabi nito at hinawakan ang baba ko para makitang mabuti ang mukha ko.

Ngumuso lang ako at pinisil pisil ang hintuturo ko, iniiwasan ang mata nitong nagtatanong.

" What's bothering you baby? hmmm? " aniya Bumuntong hininga muna ako bago sumagot dito

" Ka...si napapansin ko na sa bawat sinasabi mo parang may nakakabit na misteryo at hiwaga or hidden message na hindi ko maipaliwanag " mahinang sabi ko

Bahagya naman itong tumawa at may pag-alinlangan na ngumiti sa akin na siyang i-kana kunot ng noo ko. Umiling iling ito sa akin at kinagat ang pang ibabang bahagi ng labi nito. Nakita ko pang bumuka sa bibig nito na parang may sasabihin pero kalaunan ay itinikom nalang nito ang bibig.

Lumipas pa ang ilang minuto pero hindi na ito nagsalita pa. Umaasa akong sasagutin niya ang tanong ko pero wala naman akong napala.

" Hades? " kunot noong sabi ko Para itong napatda mula sa kinauupuan nito ng tawagin ko ang pangalan niya. Hindi rin ito masyadong makatingin sa akin na mas lalong ipinagtataka ko.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Onde histórias criam vida. Descubra agora