Chapter 14

489 22 0
                                    

Chapter 14

Nandito ako ngayon sa Hospital, nakahiga at halos hindi makakilos dahil sa sobrang sakit ng pakiramdam ko. Binigyan naman ako ng pain reliever ng doktor pero hanggang ngayon ay hindi parin tumatalab. Pakiramdam ko ay parang hihiwalay ang bewang ko sa katawan. Yon kasi ang napuruhan noong inihagis ako ng nilalang nayon.

Para narin akong maiiyak dahil sa sakit. Bakit ba nangyayari sa akin ang mga Ito? Kaunting galaw ko lang ay sobrang sakit na sa pakiramdam. Hanggang ngayon rin ay hindi ko masagot sagot ang tanong nila Tatay sa akin, kung ano daw talaga ang nangyari. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko at hindi ko rin alam kung maniniwala sila sa akin.

Ang hirap kasing paniwalaan ang mga bagay na nangyari sa akin, kahit sa panaghinip ay hindi ko inaasahan yon, paano nalang kung hindi sumabog ang nilalang na aatake nayon? Baka patay na ako ngayon. Nakakakilabot at nakakahindik balahibo. Pero paano kaya sumabog yon? Ang laking palaisipan parin ang nangyari sa akin. Ipinikit ko nalang ang mata ko at pinilit ang sarili na matulog.

" Doc, kamusta na ang anak ko? Maayos na po ba siya? " Dinig kong tanong ni Nanay sa Doktor na nakatalaga sa akin.

" Opo, mabuti nalang po at walang naitamong kahit anong mang fracture sa buto niya, pasa lang po ang inabot niya, pero kahit ganon kailangan niya paring manatili dito para obserbahan namin, baka po kasi mayroong komplikasyon sa likod niya " mahinahong sabi ng doktor dito

Hindi ko namang narinig na nagsalita si Nanay. Pero narinig ko ang pagbukas sara ang pinto, hudyat na umalis na ang doktor. Naramdaman kong lumapit sa akin si Nanay at hinawakan ang noo ko. Hinawi nito ang iilang buhok na nakaharang at hinalikan ako Doon.

" Magpagaling ka agad anak " bulong nito sa akin

" Kamusta na siya? " Dinig kong tanong ni Tatay

" Ang sabi ng Doktor ay, wala naman daw kahit ano mang fracture sa buto niya, pero kailangan niya paring maoobserbahan dahil baka daw magkaroon ng komplikasyon " sabi naman ni Nanay kay Tatay

" Ganon ba? Pinaiimbestigahan ko na sa mga pulis ang nangyari, kailangan rin nating maka-usap si Artemis tungkol dito, kailangan kasi ng mga pulis ang pahayag niya "

" Ano ka ba! Tsaka mo na tanungin ang anak mo kapag magaling na siya! Kailangan niya rin magpahinga " saway naman ni Nanay dito

" Tita " tawag ng kung sino kay Nanay

" Oh! Trisha! Napadalaw ka, gabing gabi na ah, mabuti at pinayagan ka? " Tanong ni nanay opo

" Oo nga po eh, nang mabalitaan ko po kasi ang nangyari ay agad rin akong nagpa-alam kay Mama. Ano po ba ang nangyari Tita? "

Naramdaman ko namang tinignan ako ni Nanay.

" Sa totoo lang ay hindi rin namin alam, nagulat nalang kami nang pinuntahan namin siya sa kuwarto niya dahil sa lakas ng kalabog na narinig namin, tapos nakita nalang namin siya nahandusay sa sahig at puno ng dugo ang buong kuwarto nito nagkalat rin ang ibang mga lamang loob ng tao---" hindi ko na narinig pa iba nilang pinag-usapan dahil tinangay na ako ng kadiliman.

Nagising nalang ako bigla sa kalagitnaan ng gabi. Pakiramdam ko kasi ay may nakatingin ulit sa akin. Kinakabahang inilibot ko naman ang tingin sa buong paligid. Baka kung ano nanaman ang mangyari sa akin. Nag-iisa lang rin ako sa buong silid. Asan ba sila Nanay?

Napatingin naman ako sa may pintuan ng bahagyang gumalaw yon. Ang lakas narin ng kalabog ng puso ko. Wala namang hangin kaya impossible ring gumalaw yon ng walang gumagawa. Mahigpit akong napahawak sa kumot ko ng tuluyang ng bumukas ang pinto.

Abo't abot na ang tahip ng dibdib ko ng pumasok sa isang lalaking may kulay berdeng mata? Teka? Berde? Si Hades! Anong ginagawa niya dito. Gulat naman itong tumingin sa akin nang makita ako nitong gising.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now