Chapter 18

393 21 0
                                    

Chapter 18

Dumaan ang mga araw at sa awa ng diyos ay wala pa namang nangyayaring kababalaghan ulit sa akin. Patuloy paring siyang nanliligaw sa akin at halos dito na siya tumira sa bahay dahil sa dadating siya dito ng ala-sais ng umaga at uuwi sa kanila ng ala-sais rin ng gabi.

Nakakatuwa rin dahil tinutulungan niya sina Nanay at Tatay sa mga gawaing bahay, ang saya lang kasi nalaman ko na marunong rin siyang gumawa sa bahay. Natawa pa nga ako ng makita ko siyang may hawak hawak na walis tingting at nagwawalis. Pinag-iigib niya rin ako ng tubig sa poso kapag maliligo na ako at nagsisibak rin siya kahoy.

Nahihiya na nga ako sa mga pinag-gagawa niya dahil halos siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Baka isipin ng mga Vallderama na ginagawa naming alipin ang tagapagmana nila. Pero sadyang matigas talaga ang ulo niya ayaw papigil at ang palaging sinasabi niya....

" Let me serve you Mi Reina, It is duty as you suitor " napatampal nalang ako ng noo dahil dito

" Hades, ipapaalala ko lang sayo, Manliligaw kita at hindi alipin " simangot na sagot ko naman dito

Halos araw-araw ay nag-aaway kami dahil sa pagtulong niya sa amin. Katulad nalang ngayon nandito ako nakaupo at naglalaba. Pero nandito rin siya nakaupo sa tabi ko at pinipilit na tutulong daw siya. Ilang araw na kasi akong hindi nakakalalaba kaya tambak na ang labahan ko. Kaya naisipan kong maglaba ngayon dahil maganda ang sikat ng araw.

" Hades, doon ka na lang sa sala, makipag-bonding ka nalang doon kila Nanay " sabi ko dito habang hinihiwalay ang mga de color sa puti

" Nah, I prefer to be with you, I want to help you Mi Reina ayaw kong napapagod ka " sabi nito sa akin

Umikot lang ang mata ko sa ere, ano pa nga ba, wala na akong magagawa kundi hayaan siya sa gusto niya, kahit kasi anong gawin ko ay hindi talaga siya nagpapatalo.

" Oo na, basta pagkatapos nito doon ka nalang tumambay sa sala at nakipag-kuwentuhan kila Nanay " sabi ko naman dito ang nilalagyan ng sabon ang palanggana

Nagsimula na akong maglaba at tumutulong rin siya sa akin. Hindi na ako nagtataka kung marunong rin siyang maglaba. Sa totoo lang, mayaman ba talaga to? Parang may mas alam pa siya sa akin sa mga gawaing bahay eh.

Tahimik lang kami at hindi nag-iimikan. Bahagya naman akong napatingin sa kanya para silipin kung ano ang ginagawa nito. Pero ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang hawak hawak nito. Namumula rin siya habang nilalabhan ito. Dali-dali ko naman itong hinablot sa kanya.

Mukhang nabigla naman siya dahil sa biglaang paghablot ko dito

" What? " Takang tanong nito

" Hades naman ihhhh, pumayag nga akong tulungan mo ako sa paglalaba pero hindi ko sinabi sayo na pati yung b-bra at p-panty ko ay lalabhan mo!! " Pulang pula ang mukha na sabi ko

Ano ba yan, nakakahiya naman! Tumawa lang siya sa akin at nagkamot ng batok

" Sorry, wala ka naman kasing sinabi " sinamaan ko na tingin at inirapan

Hindi ko nalang ito pinansin pa at nagpatuloy sa paglalaba.

" Galit ka ba? Sorry " paumanhin nito

Bumuntong hininga nalang ako at tumingin sa kanya.

" Hindi naman nakakahiya lang kasi " nakatungong sabi ko at ngumiti dito

Parang nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa sinabi ko. Ipinagpatuloy lang namin ang paglalaba. Sabay naman kaming tumayo ng babanlawan ko na dito. Akala ko ay aalis na ito pero kumunot ang noo ko ng makita na hindi man lang ito umalis sa tabi ko.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz