Chapter 28

357 17 4
                                    

Chapter 28
" A-anong k-kailangan mo akin! B-bakit mo ako ginugulo!! T-tigilan mo na ako, dahil kahit anong sabihin mo, hinding hindi ko lalayuan si Hades!! " pasigaw na sabi ko rito

" Layuan mo ang batang Vallderama at lalayuan na kita " seryosong sabi nito

" A-alam mong hindi ko gagawin yan! Ilang beses ko bang sasabihin sayong hinding hindi ko siya lalayuan kahit ano pa man ang sabihin mo! Isa pa, ano bang pakialam mo sa akin, sa amin, hindi naman kita kaano ano!! " Gigil na sabi ko rito. Pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko dahil sa pag-inis dito.

" Artemis! Inililigtas lang kit---" bago pa matapos ang sasabihin nito ay pinutol ko

" Inililigtas!? Kanino? Kay Hades? Bakit? Sa tingin mo ba sasaktan niya ako? "

" Hindi mo ako naiintindihan kaya ka nagkakaganyan, sundin mo ang sinasabi ko, dahil sigurado akong sasaktan ka niya lang ulit " mahinahong sabi nito

Kumunot naman noo ko dahil sa sinabi niya.

" Ano? Paano ka nakakasiguro sa mga sinasabi mo? Kilala mo ba ng lubusan si Hades kaya ka ganyan? Anong ginawa niya sayo, at ako ang pini-perwisyo mo? Ipaintindi mo sa akin kung bakit palagi kang nagmamatyag sa bawat kilos ko, ipaintindi mo sa akin kung bakit mo ako pinapalayo sa lalaking mahal ko, ipaintindi mo ng sa gayon ay maintidahan ko, at ng maliwanagan ako sa lahat ng mga sinasabi mo! " Saglit itong tumahimik dahil sa sinabi ko.

Mapakla naman akong natawa dahil ito.

" Bakit hindi ka makasagot? " Nang-aasar na wika ko

Tumingin ito ng seryoso sa akin " Kung ganon ang gusto mo ay pagbibigyan kita, kung hindi kita magawang mapalayo sa kanya dahil sa mga nagbabantay sayo, ay sisiguraduhing kong ikaw na ang gagawa ng paraan para layuan mo siya "

Dahil sa sinabi nito at umusbong muli ang takot na namamayani sa puso ko. Takot sa mga sasabihin nito sa akin. Takot na baka paniwalaan ko ang mga sasabihin niya sa akin.

" Gaya ng sabi ko sayo dati, ang pamilyang iyon ay hindi isang ordinaryong pamilya lamang, sila ay kinatatakutan, sinasamba at nirerespeto nino man, nanggaling sa bansang Espanya kung saan, pinaniniwalaang nagmula ang mga Aswang! Aswang na siyang uubos sa buong sangkatauhan "

" Ano? Sinasabi mo bang Aswang ang pamilya nila? Hah! Wala kang proweba sa mga sinasabi mo, Oo yan ang sabi ng iilan pero napatunayan ba nila? Hindi diba? Alam mo bang puwede kang kasuhan dahil sa mga sinasabi mong yan!? " Hindi makapaniwalang sabi ko

Bahagya akong napatalon sa kinatatayuan ko ng may malamig at nanginging na kamay ang humawak sa akin. Napatingin ako dito at nakita ang namumutlang mukha ng kaibigan ko.

" A-art, u-umalis na t-tayo " sabay hila sa braso ko. Kunot noo ko naman itong tinignan.

" Bakit namumutla ka? " Tanong ko dito. Saglit itong sumulyap sa albularyong nasa harap namin at kinakabahang kumagat sa pang-ibaba nitong labi.

" W-wala p-pagod lang siguro, h-halika na u-umalis na tayo d-dito " bulong nito sa akin. Maingat kong inalis ang kamay nitong nakahawak sa braso ko.

" Hindi ako aalis hangga't hindi ako naliliwanagan sa lahat ng gumugulo sa isip ko, gusto kong malaman kung bakit niya ako pinapalayo kay Hades! "

" A-art naman! A-alam mong delikado na magpagabi tayo dito, i-isa pa alam mong masama ang k-kutob ko sa matandang yan " dahil sa sinabi nito ay napatawa ang si Tata Seno, kaya napatingin kami dito

" Delikado? Talaga ba Trisha? Ha.ha.ha.---" pagak itong tumawa at kalaunan ay ngumisi "---ako pa ang delikado? Bakit hindi mo palayuin yang kaibigan mo sa nobyo nito? Siya ang higit na mas delikado kaysa sa akin, alam mo yan, alam mo kung ano ang tunay na pagkatao ng magpapamilyang Vallderama iyon, pamilyang kampon ng kadiliman! "

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now