II: What's going on?

192K 7.9K 6.6K
                                    

II

What's going on?

Cielo

Three years. Three years lang naman akong nawala, oo inaasahan kong napakarami ng nagbago pero hindi ko naman inakalang ganitong klaseng pagbabago ang madadatnan ko sa pagbabalik ko dito. Ang malala, hindi ko na maintindihan ang nangyayari. At ang mas malala, hindi nila sinasabi sakin kung ano ang nangyayari. Basta-basta lang silang nagtakbuhan kaya nakitakbo narin ako kahit hindi ko alam saan kami pupunta.

Anim lamang kaming nagtatakbuhan dito sa madilim at nakasusulasok sa tunnel na pinamamahayan ng kung ano-anong kalechehan ng Drayton, ewan, ito siguro ang tinatawag nilang imburnal. Madilim pero mabuti nalang at may bitbit na flashlight sina Harper at Dana na siyang nasa unahan. Samantalang si Raze naman at ‘tong lalaking singkit na may overgrown na buhok, heto at karga-karga ang walang malay na si Mira.

Kilala ko sina Harper, Raze, Mira at Dana, naging kaklase ko sila noong highschool pero ‘tong si singkit hindi. Ewan sino ‘tong isang ‘to pero mukha siyang bitch kahit ka-lalakeng tao.

“Mira hang-in there sweetie!” Sabi pa ni Harper na para bang alalang-alala kay Mira. Ano ba kasing nangyari sa kanya at wala siyang malay?

“Dito!” Sigaw naman ni Dana tapos biglang lumiko.

Namalayan ko na lamang na nasa isang platform na kami. Walang maruming tubig sa sahig pero sobrang daming alikabok at dumi ng daga, kinailangan pa nilang pagpagan bago ihiga doon si Mira. Ngayon ko lang napansin, may bitbit palang mga panggatong si Harper at dali-dali niya itong nilapag sa sahig saka sinubukang sindihan.

“Holy shit!” Biglang sumigaw si singkit habang may hinahanap sa bulsa niya.

“Shem ‘wag mo kaming i-holy shit!” Sigaw ni Dana na parang galit na galit na.

“Nalaglag ko ata ang lighter ko habang tumatakbo tayo!” Nanlulumong sambit ni Singkit saka napasapo na lamang sa ulo niya. Shem ata ang pangalan niya.

“Bwisit ka!” Pagwawala ni Dana, muntikan niyang sabunutan si Shem mabuti nalang at dali-dali silang inawat ni Harper.

Their voices annoy the hell out of me kaya lumapit na lamang ako sa mga panggatong saka kinuha ang lighter at papel mula sa backpack ko. Gamit ito, nagawa kong sindihan ang mga panggatong dahilan para tuluyang lumiwanag ang paligid.

Napansin kong natahimik silang lahat habang nakatingin sakin kaya nilingon ko sila at tinaasan ng kilay.

“Never seen fire before? Carry on.” Sarkastiko at walang emosyon kong sambit sa kanila.

Inirapan ako ni Dana. Hindi na ako nagtataka pa. Knowing Dana, isang malaking milagro at hindi pa niya ako sinasabunutan ngayon. She’s pissed and beyond angry. I know, I understand and to be honest, I don’t care anymore. They can hate me all they want because truth is, I hate myself too.

“Dana nakuha mo ba?” Biglang tanong ni Raze kaya dali-daling lumapit si Dana sa walang malay na si Mira. Sinenyasan ni Harper na tumalikod ang mga lalake na agad namang ginawa nila.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon