X: Lucid

142K 5.8K 3.3K
                                    


CHAPTER X:

Lucid

Third Person's POV

Habang hawak ang kanyang nakabukas na backpack ay mabilis at walang paligoy-ligoy na isinilid ni Cielo ang lahat ng mga bagay na maaring mapakinabangan. Mula sa first aid kit, alcohol, biskwit, tinapay at mga bote ng tubig, determinado si Cielo na ipagkasya ang mga ito sa loob ng backpack niya.

"Cielo... Cielo sinong may-gawa niyan sa'yo?"

Nahinto si Cielo sa ginagawa at napatitig sa kawalan nang marinig ang nanginginig na boses ni Dana mula sa kanyang likuran. Imbes na lingunin ito ay napabuntong-hininga na lamang si Cielo at muling bumalik sa ginagawa.

"You're smarter than me. Go help me find some supplies that can help a head wound heal." Ma-otoridad ngunit kalmadong sambit na lamang ni Cielo habang nakatalikod parin mula sa dating kaibigan.

Bahagyang napatingala si Dana at pinunasan ang luha sa pisngi gamit ang nanginginig niyang kamay. Huminga siya ng malalim at napalunok na tila ba pilit paring itinatago ang pag-iyak.

"D-did he do that to you?" Muling sambit ni Dana ngunit muli, hindi parin kumibo si Cielo. Napahawak na lamang si Dana sa kanyang noo at hindi na niya napigilan pa ang pag ragasa ng luha.

"Cielo anong nangyari sa loob ng tatlong taon?!" Hindi na napigilan pa ni Dana na mapasigaw, "Hindi ako kagaya mo Cielo. Kung wala kang pakialam sa kung anong nangyari sa akin sa loob ng tatlong taon, pwes ako meron kaya tatanungin kita... What the hell happened to you? Where were you for the last three years?! Why did you leave? How could you leave like that?! Why didn't you even say goodbye... I'm giving you a chance to explain yourself and all you have to do is tell me the truth."

Naghintay ang luhaang si Dana ng sagot ngunit makaraan ang ilang sandali ay umiling-iling lamang si Cielo.

"Why can't you just shut-up..." Malamig at gaya ng dati, walang kaemo-emosyong sambit ni Cielo habang nakatalikod parin kay Dana.

"A-ano?" Agad napakunot ang noo ng luhaang si Dana.

"Just shut-up okay?! Not everything is worth talking about because what happened in the past is all the past! So please! So please just shut your mouth and get me some goddamn supplies for Shem's bleeding head!" Biglang napabulyaw ang tila bag alit nang si Cielo dahilan para mapapitlag si Dana dahil sa gulat.

Maging sina Harper at Axel na nagpapahinga lamang sa sahig ay nagulat nang marinig ang biglaang pagbulusok ng galit ni Cielo kaya naman agad silang nagtungo sa hilera ng mga gamot kung saan naroroon ang dating magkaibigan.

"Y-you bitch.." Sarkastikong napangisi si Dana at muling pinunasan ang luha, muling rumehistro ang galit sa mukha niya, "So that's it huh? I'm just part of your past? Well, thank you for making me realize that all I am is a ghost of a memory." Walang kaemo-emosyong sambit ni Dana at agad na naglakad palayo habang nakataas ang noo. Sa kabila ng lahat, ayaw parin niyang magmukhang mahina at nanlulumo.

Bahagyang napalingon si Cielo kay Dana habang naglalakad ito palayo.

Napapikit si Cielo at naikuyom na lamang ang kamao at hinayaan ang luha niyang pumatak.

Makaraan ang ilang sandali ay napabuntong-hininga na lamang si Cielo at pinunasan ang luha. Bahagya siyang napaatras at napatingala sa direksyon ng malaki at bilugang salamin. Napabuntong-hininga na lamang siya nang makita ang sarili. Oo nga't wala na ang bahid ng dugo at talsik ng utak sa mukha at mga kamay niya ngunit nanatili naman sa suot niyang jacket ang ilan sa mga ito. Napangiwi na lamang si Cielo at hinubad ang suot na jacket at itinali ito sa kanyang bewang. Tinanggal niya ang kulay itim na wrist band sa kanang kamay at ginamit ito upang itali ang mahabang buhok. At nang makitang puno na ang backpack ay dali-dali niya itong isinara at isinukbit sa likod.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now