XIX: Whatever happens, whatever it takes

108K 4.8K 2.1K
                                    


CHAPTER XIX:

Whatever happens, whatever it takes

Third Person's POV


"Few more steps Dana!" Bahagyang pumalakpak si Shem habang hinihintay na tuluyang makababa si Dana sa malaking gate na nagsisilbing proteksyon ng buong estasyon ng pulisya. Nakapasok na sina Shem at Raze kaya si Dana na lamang ang hinihintay nila.


"Shhh!" Sita sa kanila ni Raze habang nililibot ang paningin, seryoso nitong pinapakiramdaman ang buong paligid. Tinatalasan ni Raze ang kanyang pakiramdam habang hawak ang kanyang itak, hinahanda niya ang kanyang sarili sa pagkakataong kakailanganin niyang protektahan ang mga kasamahan.


Nang tuluyang makababa si Dana ay muling lumapit si Raze sa kanilang dalawa na animo'y pupulungin ang mga ito.


"Kukunin natin ang lahat ng mga magagamit natin pero lagi niyong tatandaan na ang buhay niyo parin ang importante. Kapag nagkagulo, takbo lang ng takbo." Maotoridad na paalala ni Raze kay Shem at Dana na kapwa pilit na ikinukubli ang nararamdamang kaba.


"We know that Raze... Life before anything else." Tumango-tango si Dana at huminga ng malalim.


"Tangina, mas madali sana 'to kung nasa akin parin ang contact lens na 'yon." Paghihimutok ni Shem na naiinis parin sapagkat naiwan niya ito sa bahay nang salakayin sila ng mga skunks. Walang ano-ano'y bigla na lamang yumuko si Shem at dumukot ng lupa bagay na ipinagtaka agad nina Raze at Dana.


"Hindi ako balahura, dumidiskarte lang." Bulalas agad ni Shem sabay pahid ng lupa sa kanyang leeg.


"Sabi ko nga." Walang emosyong sambit ni Raze at ginaya si Shem sa pagpapahid ng lupa sa kanyang leeg.


"Just so you know, I don't care anymore." Mahinang sambit ni Dana at taas-noong nagpahid rin ng lupa sa kanyang leeg.


Huminga ng malalim si Raze at isa-isang tiningnan sina Shem at Dana, "Naalala niyo ba ang unang sinabi ko sa inyo nang magsimula ang lahat ng 'to? Nang unang beses tayong nagkita-kita habang hinahabol ng mga skunks? Nang kasama pa natin sina Mira, Harper at iba pa?"


"Protect each other," Tumango-tango si Dana at bahagyang ngumiti, "you don't have to remind us, kahit—"


"Kalimutan niyo 'yon sa pagkakataong 'to..." bulalas ni Raze bagay na ikinagulat nina Shem at Dana.


"A-anong ibig mong sabihin?" Kunot-noong sambit ni Shem.


"Wala tayong alam sa kung ano mang naghihintay sa loob. Kung marami sila, mahihirapan tayong protektahan ang isa't-isa kaya oras na magkagulo, wala kayong ibang gagawin kundi tumakbo... tumakbo ng tumakbo. Wala kayong ibang iisipin kundi ang sarili niyo, ang makaligtas at makabalik kanila Cielo dala ang kahit na anong mapapakinabangan." Paliwanag ni Raze pero tiningnan lamang siya nina Shem at Dana na kapwa naguguluhan.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon