XIII : Unlawful

92.6K 3.8K 3.2K
                                    


CHAPTER 13 : 

Unlawful

THIRD PERSON'S POV



"Sa Cathedral tayo!"

"No! You guys are bleeding, we have to go to the hospital!"

"Ate gusto ko nang umuwi!"

"Hindi naman siguro tayo susundan ni Wacky!"

"You idiots! May chapel naman sa hospital at mas safe kasi maraming tao doon!"

"Marami pero may sakit at nanghihina ang karamihan!

"Quit being such an idiot and think about yourselves first!"



"ANO BA!!!" Sa gitna ng pagtatalo ng apat ay biglang umalingawngaw ang napakalakas at malalim na boses ni boris kasabay ng biglang pag-hinto ng sasakyan. Sa sobrang gulat at takot ng apat ay agad silang natahimik at nagsipikit kahit pa halos tumilapon na sila mula sa kinauupuan.


"Tatahimik naman pala kayo eh!" Iritadong sumbat ni Boris saka napalingon sa apat na nasa kanyang likuran. Naiinis man, napabuntong-hininga na lamang siya pero laking pagtataka niya nang mapansing labis parin ang takot ng apat sa kanya. Ni walang tumabi sa kanya sa simula pa lang dahil lahat takot sa kanya kaya naman ipinagkasya na lamang ng apat ang mga sarili nila sa upuan.


Naguguluhan man sa kinikilos ng apat, napakamot na lamang si Boris sa kanyang ulo at humarap ulit sa manibela at sa madilim na daang hinintuan. Mula sa rearview mirror ay pinagmasdan niya ang apat.


"Ako ang driver, ako ang masusunod. Tatahimik kayo at ihahatid ko kayong lahat sa ospital. Hindi ko alam kung ano yang mga nahithit at pinaggagawa niyo pero pakiusap lang, wag kayong magulo." Sambit ni Boris dahilan para agad magsitanguan ang apat na halos magyakapan at nakapikit parin dahil sa takot.


Muli, napabuntong-hininga si Boris at muli na lamang pinaandar ang sasakyan sa kabila ng nakakailang at labis na katahimikang ipinapamalas ng apat.


*****


DANA'S POV


"Ano ba talaga ang nangyari sa inyo?" Lumapit sa akin si Mang Boris dala ang isang baso ng mainit na kape mula sa vending machine at iniabot ito sa akin.


"Hindi ko na rin po alam." Iniyuko ko na lamang ang ulo ko't pinagmasdan ang mukha ng natutulog na si Pip. Takot na takot siya nang makarating kami sa ospital kaya pinahiga ko na lamang siya sa hito ko nang sa gayon ay makatulog siya't pansamantalang mawala ang takot niya.


Napakaraming naglalaro sa isipan ko pero mas higit ang nararamdaman ko. Takot ako sa maaring mangyari sa amin. Takot ako sa maaring gawin ni Wacky. At takot ako sa maaring mangyari kay Wacky habang namamanipula siya ni Astaroth.


"Dana! Dana!" Bigla kong narinig ang boses ni Churchill mula sa kwarto kung saan sila kasalukuyang ginagamot ng mga nars kaya pansamantala ko munang iniwan si Pip kay Mang Boris.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon