Chapter Twenty Four

23.5K 1.6K 523
                                    

Chapter Twenty Four

I remember in one of our subjects, they thought us the best way to solve a problem. Of course, first, you have to identify the problem, and then you have to analyze it. After that, you have to describe the problem and find its root cause.

I tried it nung pinag pasa kami ng research sa previous school ko. I remember getting the highest mark sa research na 'yun, so I tried applying that step-by-step process of problem-solving in real life.

Pero grabe, pag identify at pag analyze pa lang ng problema, parang gusto ko na agad tumakas. Ang hirap humanap ng tamang salita kung paano ko ide-describe ang mga problemang 'to. Tapos aabot ako sa pag-i-isip kung ano ang root cause. Then I will realize that I am the root cause.

Kaya may pagkakataon na lang talaga na gusto kong tumakas. Parang ngayon.

Nakasunod lang ako kay Seb papunta sa kung saan man niya maisipan kumain. I can hear him blabbering about the weather, pati yung quiz namin kanina, but my mind is elsewhere.

Alam kong panandalian lang ang pagtakas na 'to. Eventually, I have to go home and face my dad.

Pwede bang bumagal muna ang oras?

"Dami na palang nangangampanya," dinig kong sabi ni Seb at nauntog ako sa likod niya dahil bigla bigla na lang siyang huminto sa paglalakad.

Napa-angat ang tingin ko. Napansin ko na nandito kami sa sa leisure house, yung pinag dalhan niya sa akin dati nung minsang hindi kami nakauwi agad dahil sa lakas ng ulan.

Nakatingin ngayon si Seb sa isang poster ng politician na nakapaskil sa harap ng leisure house.

"Ano ba 'yan, panira naman 'to ng bahay," sabi ni Seb at tinanggal niya yung poster nung politician then humarap siya sa akin. "Tara sa loob?"

Tumango lang ako at sumunod ako kay Seb papasok ng leisure house.

Pagkapasok namin sa loob, bumungad agad sa amin si Maestro na naka pwesto sa may counter area. May hawak siyang comic book at busy mag basa habang kumakain ng popcorn.

"Maestro," sabi ni Seb at inilapag niya sa desk yung poster na tinanggal niya. "Ba't may picture ng buwaya sa bakuran mo?"

Napa angat ng tingin si Maestro at napakamot sa ulo, "nagkabit na naman pala sila niyan. Sabi ko wag didikitan ang pader ko, eh."

"Ayan tinanggal ko na para sa'yo."

Napa-iling si Maestro at napatingin siya sa pwesto ko. Mukhang ngayon lang niya ako napansin. Bigla siyang ngumiti.

"O, kasama mo pala si Iris," sabi nito.

Nagulat ako nang tawagin niya ang pangalan ko because I don't remember mentioning it to him before.

"Magandang hapon po," bati ko naman sa kanya.

Napabalik ang tingin niya kay Seb at nginitian 'to nang malawak. "May mga estudyante na naglalaro doon sa may playstation area, medyo maingay doon. Kung gusto niyo mag date, doon na lang kayo sa comic book section, walang nakatambay doon ngayon."

Kumunot ang noo ni Seb, napayuko naman ako bigla, "anong date? Kakain lang kami."

"Ah, sabi mo eh," sabi naman ni Maestro na parang hindi siya naniniwala kay Seb.

For some reason, I can feel my cheeks heating up.

Bakit parang biglang uminit?

Stay Wild, Moon ChildWhere stories live. Discover now