Chapter Twenty Five

24.7K 1.7K 1.3K
                                    

Chapter Twenty Five

I'm embarrassed to death. Can I just disappear?

That's my initial thought right after I calmed myself down at naubos na ang luha na pwede kong i-iyak.

I can't believe I cry in front of Seb.

Well, basically nakatalikod ako so hindi niya nakita mukha ko. But still!

Kinabahan ako baka mamaya pag harap ko sa kanya asarin niya ako, o gamitin niya 'to para i-blackmail na naman ako. Mamaya pala habang umiiyak ako, kinukuhanan niya ako ng video.

Pero nung humarap ako sa kanya while drying my tears, sinalubong niya ako ng isang genuine na ngiti as if telling me he understands what I felt and that he's not judging me.

It warms up my heart and I feel like crying again. For a long time, I feel nothing but emptiness and sadness. Pero lately, pansin ko unti-unti akong nagiging masaya. Unti unti akong nagkakaroon ng reason para ngumiti.

And I'm scared because I feel like I don't deserve this.

"Gusto mo ng ice cream?" tanong niya sa akin while handing me some tissues.

Agad kong kinuha yung tissue sa kamay niya at pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko.

"Rocky road o double dutch?" tanong niya. Umiling ako.

"Ube?" tanong niya ulit. "Queso real? Mango? Halo-halo flavor? O all of the above?"

Umiling ako, "okay lang wag na---"

"Ako na lang ang pipili sa'yo, sige ka."

"Ha?"

"Ibig kong sabihin, ako na ang pipili ng flavor para sa'yo."

"Double dutch," mabilis kong sagot.

Napangiti si Seb. "Okay. Double dutch."

Tumayo si Seb para bumili ng ice cream. Napatayo rin ako bigla at hinawakan ko ang likod ng uniform niya.

"S-seb..." tawag ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin.

"Hmm?"

"Thank you," mahina kong sabi then huminga ako nang malalim and I tried to give him the most genuine smile I could give. I feel awkward to be honest, because I haven't smiled to someone for so long.

Nakita kong natulala si Seb. Then he blinked. Napayuko agad ako and I feel my face heating up.

Uhmm.. ba't siya natulala? Do I look weird?

"Uh.. ice cream?" I heard him say after a while. "Rocky road."

"Double dutch," pag uulit ko.

"Oo nga pala double dutch," he let out an awkward laugh. "Sorry nalilito na ko."

Tumawa ulit si Seb. Yung pilit na tawa. Then nauna na siya mag lakad papunta doon sa fridge ng mga ice cream.

Na awkward-an ba siya sa ngiti ko? Ang weird ko ba talaga ngumiti?

~*~

We stayed a little bit sa leisure house after namin mag meryenda. Inumpisahan ko mag advance study habang si Seb naman, busy mag basa ng comic book.

Stay Wild, Moon ChildWhere stories live. Discover now