Chapter Thirty Five

23.4K 1.4K 518
                                    

Chapter Thirty Five

Anong dapat kong isuot?

Dress? Off-shoulder? Sleeveless? O mag t-shirt na lang ako?

Napatitig ako sa cabinet ko. Sobrang onti lang ng choices dito at karamihan puro tshirt pa.

Bakit kasi kailangan naka civilian kami pag pupunta doon sa leadership seminar? Why can't we wear our school uniforms instead para hindi na ako nahihirapan nang ganito?

Naglakad ako papunta sa kama ko at nahiga doon. Napapikit ako and I suddenly remember Mona nung time na nag punta kami sa Intramuros for a project. Ang cute ng suot ni Mona noon. If I'm not mistaken, naka dress siya? Simple dress lang pero dahil maganda siya, dalang dala niya rin yung damit.

Actually kahit naka school uniform niya, ang ganda niya pa rin. Sobrang effortless.

Samantalang ako, kailangan ng matinding effort.

Pero bakit kasi kailangan kong pag effort-an ng husto ang isusuot ko?! Hindi naman pa bonggahan ng damit ang pupuntahan ko? Leadership seminar yon. Seminar.

Napa buntong hininga ako at napatingin sa pusa kong si Sebbie na kasalukuyang naka pwesto sa dulong bahagi ng kama ko. She's also staring at me at pakiramdam ko sa mga tingin niya ay hinuhusgahan niya ako.

"Wag mo 'kong tignan ng ganyan," sabi ko dito. "Hindi mo alam ang struggle ko dito."

But Sebbie just keep on staring at me. Muli na lang akong napa buntong hininga.

Mukha akong tanga.

Well... ano pa bang bago doon?

Liking Harold means most of the time, I feel stupid about myself. Yung onting kilos lang niya ang lakas na ng epekto sa akin. Simpleng ngiti lang, gusto ko nang matunaw. At nakakainis because I tried to be logical about what I feel pero wala eh, hindi ko na mapaliwanag. Ang alam ko lang, para akong tanga na ginagawa lahat ng 'to when I know na hindi naman niya ako gusto. Baka ang gusto pa niya si Mona, eh. I mean, Mona likes Seb. Pero hindi malabo na eventually magustuhan niya rin si Harold eh.

Si Harold na yun. Who wouldn't like him?

Ang swerte mo naman Mona.

Napabangon ako at tinignan ko ang cabinet ko. Kahit anong i-suot ko diyan, if iba ang gusto ni Harold, walang magiging epekto sa kanya. So why bother? Sayang effort. I should just wear a simple shirt and pants para komportable.

Oo tama.

Inilabas ko sa cabinet ko yung isa kong shirt at jeans para i-ayos.

This will do.

~*~

Or not.

Umaga. I woke up before my alarm clock rings at nag prepare agad ako. I-su-suot ko n asana yung shirt pero bigla akong nag overthink.

We're going in a conference and it's a formal occasion sa pagkakaintindi ko. Tapos mag su-suot ako ng shirt at jeans lang? Hindi kaya mag mukha akong out of place sa lugar na 'yon?

Oo tama. Baka mag mukha lang akong ewan. I need to be presentable, lalo na I am representing the name of our school. Hindi naman pwedeng mag mukha lang akong mag g-grocery.

That's why I took out my most presentable dress at ayun ang isinuot ko.

Hindi dahil kay Harold, pero dahil gusto kong mag mukhang maayos.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon