Chapter Forty Eight

18.1K 1.3K 570
                                    

Chapter Forty Eight

"Pwede mo namang sabihin sa teachers mo na may sakit ka," told me habang pinaghahain niya ako ng almusal. Nakailang buntong hininga na kasi ako at sa totoo lang walang wala akong ganang pumasok. "It's okay to take a break from time to time, Iris."

Alam na rin ni daddy yung nangyari kahapon sa school. Nung una iniisip ko kung aamin ba ako sa kanya na may ganoong gulo. Baka isipin niya nasa masasamang kaibigan na naman ako. Masama ang loob ko kina Chichi, that's a fact. Pero alam kong hindi rin sila masamang kaibigan and I'm still hoping na magkakaayos kami, kaya ayokong magalit si daddy sa akin.

But I'm glad na same ang take nila ni Seb sa nangyari. Dad told me na me and my friends should talk. Sinabi pa nito na alam niyang isang malaking misunderstanding ang nangyari at hindi dahil hindi kami naging tunay na magkakaibigan.

"'Di ba sabi mo sila ang unang tumulong sa'yo nung nasa vet si Sebbie? That alone proves na they care for you. Kaya don't let them go anak. Magusap usap kayo."

Pero dahil alam din ni dad na masama ang loob ko sa kanila, sinasabi niya ngayon na wag muna akong pumasok.

At sa totoo lang tempted ako. But I can't.

"Hindi po pwede, eh. May quiz kami."

Hindi na ako kinulit pa ni daddy dahil alam niyang hindi naman din ako papayag na may ma-miss na exam. We're good now at hindi na ako ganoong ka pressured to impress him, pero sayang naman yung pinaghirapan ko ng ilang buwan to stay on top. I can't miss an exam. Kahit pa sabihin na onting points lang 'yun.

I arrived thirty minutes before the bell rings. Halos lahat nasa classroom na.

Nakita ko rin si Chichi, nasa isang side at nakikipag kwentuhan kay Glen. Nung pumasok ako, ramdam ko agad ang awkwardness dahil bigla siyang natahimik. Pero hindi siya lumilingon sa pwesto ko. Iniwas ko rin ang tingin ko sa kanya.

Maya maya, I saw LJ enters the room. Lahat napatahimik nung dumating siya. Everyone's avoiding her gaze, pero lahat din nag nanakaw ng simpleng tingin sa kanya. Nakakarinig ako ng mga bulungan sa paligid at pakiramdam ko nagpapantig ang tenga ko.

I look at LJ. Nakayuko lang 'to. Her hairs covering her face. Pero kahit ganon, I can clearly see her swollen eyes.

She quietly sat down on her seat without talking to anyone.

Napabuntong hininga ako. Sa totoo lang, gusto kong lapitan si LJ. I want to set aside kung ano man ang sinabi niya at yung pain na naramdaman ko nun. I just want to be there for her. Kaso paano? I feel like hindi ako ang tamang tao na lapitan siya ngayon.

"Huy nakayuko ka diyan!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses na 'yun. Nakita ko si Seb, nasa tabi n ani LJ at hinampas ang likod nito. Mukhang nagulat din si LJ dahil napatayo rin niya sabay amba ng sapak kay Seb.

"Gago ka ba?! Ba't ka nang gugulat?!" iritang sabi ni LJ sa kanya.

"Joke lang. 'To naman init ulo," hinatak ni Seb ang braso ni LJ. "Tara samahan mo kong bumili sa canteen."

"Ikaw na lang, ba't mo pa ako hahatakin? Lumpo ka ba?"

"Samahan mo na 'ko dali!" pangungulit ni Seb sa kanya hanggang sa wala nang nagawa si LJ kung hindi ang sumama dito.

Napangiti ako.

Seb's always like that. Kala mo wala siyang pake sa mga tao, pero sa totoo lang, siya ang unang nakaalalay sa lahat.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon