Chapter Fifty Two

17.5K 1.1K 403
                                    

Chapter Fifty Two

"I'm really sorry, Iris."

Another day at school. Hindi ko na naman kasabay mag lunch sina LJ at Chichi dahil nasa dance group headquarters sila. Kanina, kasama ko si Seb at Glen papunta sa cafereria. Sabi nila, mag hanap na ako ng table at may bibilhin lang sila. Pero after nilang bumili, nagulat na lang ako nang sa ibang table sila pumwesto. Susunod dapat ako sa kanila pero pag lingon ko, nasa harapan ko na si Harold.

I get it. They are giving us time para makapag usap.

Kaya ito ngayon si Harold, nag a-apologize na sa harapan ko. May pa bribe pa na isang box ng brownies.

Habang nakatingin ako sa brownies na inaabot niya, doon ko lang narealize na wala na talaga akong feelings sa kanya. Wala na yung kilig na nararamdaman ko noon. At hindi ko inakala na dadating ang panahon na mawawala ang feelings ko kay Harold. Parang kailan lang, lumapit lang siya sa akin hindi na ako makahinga. Pero ngayon I feel... indifferent.

"Sorry talaga sa mga nasabi ko," he said and he look so guilty. "I'm not going to make any excuses because I know what I did was wrong. Kaya sorry talaga, Iris. Tsaka sorry.. sorry for not noticing---"

"Hindi na kita crush," mabilis kong sabi sa kanya bago pa niya matuloy ang sasabihin niya. Napatingin siya sa akin na para bang binabasa niya kung nag sasabi ba ako ng totoo o hindi.

"Well, bago pa sabihin sa'yo ni Chichi, nakaka move on na ako so..."

"Oh," he said awkwardly. "I see."

"Hindi ako nagdadahilan ha!" I said defensively. "I mean, totoo talaga. Promise."

"I believe you," he said and he laugh awkwardly. "Mabilis ata talaga maka move on sa'kin."

It's my turn para mapatitig kay Harold. There's sadness and pain in his eyes.

"Nakapag usap na kayo ni Chichi?"

Napayuko si Harold at tumango. He gave me a sad smile.

"Ayun, basted."

Parang bigla akong naawa kay Harold. Somehow, hindi ko rin siya masisi on why he became emotional nung out of nowhere, nalaman ni Chichi na gusto siya ni Harold. It's because he's been preparing to confess to Chichi, tapos sa ganun lang malalaman ni Chichi?

He's also a victim of Mona's scheme and I feel bad for him.

"I'm sorry, Harold."

Napailing si Harold, "I'm the one who should apologize, Iris. And it's also my fault why I Chichi turned me down. He told me she used to like me, pero ang bagal ko. Kaya ayun, she moved on at nagkagusto siya sa iba. I had no idea na I've been giving her mixed signals. In my point of view, akala ko malinaw yung mga actions ko na gusto ko siya. I guess I'm wrong."

Umiling ako, "you're just kind, Harold. You are kind to everyone, at ikaw yun eh. And that's your strength too. Pero siguro next time na magkakagusto ka sa, tell it to them directly. Kasi pag dating sa actions medyo magulo ka."

"Did I... did I made you confused too?"

Napatahimik ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o mag dadahilan ako.

But then, that's all in the past, kaya wala na rin naman halaga kung mag sabia ko 'di ba?

Tumango ako, "minsan. I thought you're treating me special, tapos makikita ko special din yung treatment mo kay Mona. Then, ganun din kay LJ at Chichi."

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon