Chapter 12

494 53 14
                                    

"Why is she not calling me?" bulong ni Yohan sa sarili habang nakatutok sa cellphone niya. He was specifically looking at the notification panel, scratch that, staring might be a better word for what he was doing.

"Hmm . . . maybe that is her answer to you?" rinig niyang sagot ni Xavier sa kaniya. He glanced at his younger brother and saw him sitting at his gaming chair, going around and around like a kid in a playground.

"I second the motion," Joshua mumbled while munching on some french fries made by the maids earlier. Itinaas pa nito ang kamay na para bang nasa botohan sila at hindi sa loob ng kwarto niya.

"Bakit ba nandito kayong dalawa?!" inis niyang wika. 

Pagkauwing-pagkauwi niya kanina ay agad siyang sinalubong nina Xavier at Joshua na may nanlolokong ngiti. He tried ignoring them but they both followed him inside his room. Pagsasaraduhan na nga niya sana ang mga ito ngunit mabilis ang mga bugok sa pagpasok sa kaniyang kwarto.

"Uhmm . . . in my defense, nakikikain ako sa inyo. My mom literally made just tofu for dinner," frustrated na paliwanag ni Joshua na agad naman niyang naintindihan. Joshua lives just right next door. His mom is a very well-known vegan activist, which reflects in the food that she serves for her kids. Laging nakikikain si Joshua dito sa bahay nila tuwing hindi nito matiis ang pagkain sa bahay nito. Hinahayaan na lamang niya itong magpaluto sa mga maid ng kahit na anong gusto nitong kainin tuwing tumatambay ito dito.

Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito at binalik muli ang atensyon sa kaniyang cellphone. "It took me 30 minutes to get home because of the traffic, but why hasn't she called me yet?" frustrated niyang bulong muli. 

Gaano ba katagal makapag-search ang babaeng iyon?! Is it really that hard to open her web browser and search those coordinates?!

He ruffled his hair in frustration before looking back at the two morons inside his room. "Am I rejected?" kinakabahan niyang tanong dahil hindi niya alam ang gagawin kung sakaling bastedin siya ni Apple Pie.

"Yeah."

"Definitely."

Sabay pang sumagot ang dalawa at kitang-kita ang confidence sa mga mata ng mga ito.

"I mean, Kuya, it has been almost an hour after you confessed to her. Halatang-halata na hindi ka niya gusto. Maybe she found it too awkward to talk to you now kaya ayaw ka niyang kausapin," paliwanag ni Xavier sa kaniya. "Or you can call her if you wanted to make sure that she saw and understand your message," dagdag nitong suggest. Tumango-tango naman si Joshua upang ipakita ang pagsang-ayon. He wasn't really talking because his mouth was stuffed with one enormous bowl of Pancit Canton.

Dahil sa sinabi ng kapatid ay kinakabahan niyang binuksan ang contact list ng phone niya at pinindot ang contact na naka-label na "Langga". Nag-aalangan pa siya kung pipindutin ang call button ngunit kalaunan ay pinagpatuloy na niya. 

His phone rang four times before finally, someone picked it up. The familiar voice of Apple Pie greeted him groggily. "Hello?" Inaantok ang tono ng boses nito. Tila ba ang tawag niya ang nagpagising dito.

Napakunot ang noo niya at napalingon sa dalawang lalake na halatang excited na excited na malaman ang sasabihin ni Apple Pie. 

"I-speaker mode mo," bulong na udyok ni Xavier. Ayaw niya sanang gawin iyon ngunit naisip niya na kakailanganin niya ng tulong mamaya kung saka-sakaling nakita na ni Apple Pie ang message niya. 

He put it in speaker mode before talking to her. "Did you search it?" 

"Ang ano?" tila wala sa tamang huwisyo na tanong sa kaniya nito. Mukhang inaantok na talaga ito.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now