Chapter 52

384 47 24
                                    

Matapos makatago ni Apple Pie sa nanggagalaiting dragon ay naghintay muna siya ng iilang minuto bago muling binalikan ang mga gamit sa sala. Panigurado namang hindi siya pag-aaksayahan ng oras ni Yohan dahil nga "busy" daw ito. She returned to the sala and took her stuff before hauling them all towards the second floor. Katulad nga ng sinabi ni Yohan ay walang mamamataan na katulong sa loob ng bahay kapag narito ang lalake ngunit pagkaalis na pagkaalis ng demonyo ay agad namang nagsibalikan sa loob ng mansyon ang mga ito upang magpatuloy sa paglilinis. She can't help but imagine how frantic it would be whenever Yohan comes home.

Diretso lamang bang nagsisitakbuhan ang mga ito upang magtago? Napakaarte naman ng gago. Allergic ata sa tao.

Pinilig na lamang niya ang ulo at hinayaang mag-concentrate ang utak sa paghahanap ng kwartong maaaring matulugan. Inaantok na siya at pagod na pagod, kama ang hinahanap ng likuran niya.

She checked out the rooms one by one, taking in mind that they were all elaborately decorated with priceless designs. Ang kada kwarto ay tila ba may iba't-ibang tema. Halatang-halata na mahilig mangkolekta ang may-ari ng mga relics mula sa iba't-ibang bansa. Perks of having a business in trading and commerce. Mahirap makakuha ng mga ganitong bagay lalong-lalo na sa panahong ito. Hindi naman maaaring mag-order online dahil di pa uso iyon dito.

Halos nakita na niya ang bawat silid hanggang sa makuha ng atensyon niya ang isang magarang pintuan na kahit hindi pa man niya buksan ay alam na niyang malaki at maluwag ang kwartong nasa likuran niyon. At first she was so hesitant to open it, but after awhile ay nakakuha na siya ng lakas ng loob at tuluyang tinignan ang nasa loob.

It was a big, square-shaped bedroom that had coordinating wooden furniture. Halatang pinasadya ang mga gamit sa loob at hindi lang binili. It wasn't merely bought, it was so clear that an expert carpenter made these furnitures with the room in thought. The floor was carpeted and the walls were painted. Curious siyang napalapit sa may dingding at napangiti nang makita ang nakahanay na wall lamps. May laman iyong mga kandila na mukhang sinisindihan tuwing gabi upang may liwanag sa loob ng kwarto.

The room has darker colors and elegant vibes. Among the first thing she noticed was the well-stocked bookshelf at the far side of the room. Excited siyang lumapit doon at kumuha ng isang libro. Namangha siya nang mapagtanto na nakasulat iyon sa Nihongo. Binuklat-buklat muna niya iyon bago binalik at kumuha ng panibago. Mas namangha siya nang mapagtanto na iba't-ibang lengwahe ang mga librong naroon. Mukhang mahilig talagang mangolekta si Yohan ng iba't-ibang souvenirs na nagpapaalala dito sa mga naging kalakalan nito.

She examined the whole room first before finally deciding that she would stay there. Maraming libro sa loob kaya maaari siyang malibang doon kahit wala siyang ibang kasama. Binalikan muna niya sa labas ng kwarto ang mga bagaheng iniwan at pinasok ang mga iyon. Pagod na pagod na siya kaya naman nilagay niya na lamang iyon sa may tabi. She carelessly plopped herself on the soft mattress and buried herself under the warm sheets. Ang sarap pa tulugan ng kamang iyon dahil ang raming unan. Hapon na at mukhang papagabi na rin ngunit kaysa magsindi ng kandila ay nakita na lamang niya ang sariling unti-unting pumipikit dahil sa pagod.








Apple Pie suddenly jolted awake upon hearing a loud noise. Disoriented siyang napabuka sa mga mata at unang nakita ang madilim na kisame ng kwartong kinatutulugan. Napakunot pa siya sa pagtataka ngunit agad ring rumehistro sa utak na nandito na siya sa bahay ni Yohan. 

Kinamot-kamot niya ang mga mata ngunit agad ring nabaling iyon sa may pintuan nang marinig na naman niya ang ingay. This time ay nakita niya ang pagpasok ng isang malaking pigura. Agad naman siyang nakaramdam ng takot ngunit nawala rin iyon nang mapagtanto na si Yohan ang pumasok. 

"Yohan?" nagtataka niyang tawag dito dahil disoras na ng gabi. Well . . . hindi talaga siya sigurado kung anong oras na ngunit madilim na sa labas kaya naman alam niyang late na. "Yohan," tawag niyang muli dito ngunit unti-unti lamang na naglakad papalapit sa may kama ang lalake. Agad naman siyang nakaramdam ng gulat nang makitang mabagal na tinanggal ng lalake ang pangtaas na damit. Akma na sana siyang magsasalitang muli ngunit napansin niyang nakapikit ang mga mata ni Yohan kaya siguro hindi siya nito sinasagot kanina.

Is he sleepwalking? Ano bang oras ito umuwi? Kakauwi pa lamang ba nito?

She can't help but bite her lower lips upon seeing his naked half. The shine of the moonlight illuminated every crevice from his perfect body, adding more detail to it. He casted a shadow that nearly filled the room, making sure that she can remember how muscular he is. He looked like a man who had picked up heavy objects and put them down and then done that again a few billion times. This man was a mountain of hard muscle. His outsize arms hung like menacing weapons from his sloping shoulders. He was a virtual image of ancient Greek fantasies, a herculean figure of immense strength that showed in each strand of taut muscle and sinewy. A man capable of anything.

Mahina siyang napatili nang tumabi sa kaniya ang lalake. No . . . hindi lang simpleng tabi, halos pumatong na sa kaniya si Yohan. His arms wrapped around her waist and he placed his right leg on top of her. She felt a shiver when he buried his face on her neck, just like before . . . Just like how they were when they're still together. Sumiksik si Yohan sa kaniya na para bang ang liit-liit ng kama nito. Kung tutuusin ay kakasya ang tatlong tao doon. 

"Yohan?" gising niya dito habang mahinang tinatapik ang balikat nito. "Yohan, ang bigat mo," dagdag niyang reklamo ngunit wala siyang nakuhang sagot. Diretsong natulog lamang ito na parang patay na hindi na maaaring gisingin. Baka nga tulog na ito habang naglalakad sa kaniya kanina.

Mahina na lamang siyang napabuntung-hininga at hinayaan ang lalake. Aaminin na rin naman kasi niyang gustong-gusto niya ang posisyon nila ngayon. She focused her eyes on the ceiling and can't help but wished to the God above that her relationship with Yohan would go back like this.

Yung parang dati lang . . . Yung panahong mahal pa niya ako.


A/N: Here's an update~ Naganahan lang akong magsulat kasi maraming nag-comment last chapter. :) Thank you!






My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now