Teaser for "My Sin In His Past" (Victoria)

448 37 19
                                    

Malakas na napabuntung-hininga si Victoria habang nababagot na nakaharap sa isa sa mga manliligaw niya. Hindi niya ito pinapakinggan, nakatutok lamang talaga ang mga mata niya sa mukha nito upang isipin nitong nawiwili siya sa sinasabi nito. Sa totoo niyan ay wala ni isang manliligaw ang nakakuha ng atensyon niya. Daan-daang lalake na siguro ang nakausap niya. Ang mga bulaklak na dala ng mga ito ay halos punuin na ang bahay nila, ngunit kahit kakapiranggot na paghanga ay wala siyang maramdaman sa mga ito.

Napatingin siyang muli sa kaniyang manliligaw sapagkat bigla itong tumawa kaya naman kahit hindi niya narinig ang sinabi nito ay ngumiti pa rin siya at umaktong alam ang pinagtatawanan nila. Nais na sana niyang sumpain ang mga magulang dahil sa pagpilit ng mga ito na kailangan na niyang makapag-asawa, buti na lamang ay nariyan ang kaniyang kapatid. Ang kaniyang Kuya Crisostomo ang nagiging dahilan kung bakit nakakatakas siya sa kaniyang mga manliligaw. Takot ang mga ito sa lalake at alam niyang hindi nanaisin ng mga ito na galitin ang kaniyang kapatid. 

Kakadaan pa nga lamang nito sa utak niya ay bigla naman itong lumitaw sa may pintuan at padabog na binuksan iyon. Hindi na niya naitago ang ngiti nang nakakunot-noong lumapit ito sa kanape na kinauupuan nila ng kaniyang manliligaw. Kung wala ang lalake ay tiyak na ilang minuto pa siyang maghihirap doon habang pinapakinggan ang manliligaw niya na hindi man niya lang matandaan ang pangalan.

"Alis," tipid na utos ni Kuya Crisostomo habang matalim na nakatitig sa katabi niyang lalake. Mukhang natakot naman ito dahil mabilis itong tumayo at lumayo. "Umuwi ka na," walang-galang na ika ni Kuya sa lalake bago minwestro ang pintuan. Nagkukumahog na lumabas ang lalake na tila ba nakakita ng mabangis na hayop. Sunod namang tinignan ni Kuya Crisostomo ang babaeng katiwala na kasama niya sa silid na iyon sapagkat hindi siya maaaring mapag-isa kasama ang kaniyang manliligaw. "Ikaw," ani nito habang nakatingin sa katiwala. "Lumabas ka rin at sabihan mo ang mga manliligaw ni Victoria sa labas na huwag ng maghintay. Hindi na nila makakausap si Victoria sapagkat pagod na siya. Umuwi na sila."

Mabilis na sinunod naman iyon ng kaniyang personal na katiwala at sinirado muli ang pintuan sa silid na iyon nang makalabas. Narinig niya ang malakas na pagbuntung-hininga ni Kuya Crisostomo kaya naman napatingin siya dito. 

"May problema po ba, Kuya?" nag-aalala niyang tanong dito sapagkat pinagpapawisan pa ito. Kitang-kita na nagmadali itong pumunta dito. 

Agad na naging malamlam ang mga mata ni Kuya Crisostomo nang madako sa kaniya ang paningin nito. Kahit na nakakunot ang noo nito o matalas ang mga mata sa mga manliligaw niya ay agad namang nawawala iyon tuwing napapadako sa mukha niya ang atensyon nito. Aaminin niyang natutuwa siya sa kaalamang siya lamang ang nagpapatanggal ng galit nito.

Hindi niya alam kung dapat na ba siyang humingi ng kapatawaran sa Diyos sapagkat nang magkita sila ng kapatid noong umuwi siya dito ay agad na tumibok ng mabilis ang puso niya. Tila ba hindi na ito ang nakatatandang kapatid na nakilala niya noon. Sa tuwing nakatingin siya sa mga mata nito ay tila ba ibang tao ang kausap niya. Hindi niya maintindihan ngunit aaminin niyang nagkakagusto na siya sa kaniyang kapatid.

Paghanga . . . Siguro yaon lamang ang nararamdaman niya. 

Paghanga at paghahangad na sana makahanap siya ng lalake na tratratuhin siya kaparehas ng kapatid niya. 

Lalakeng titignan siya katulad ng kapatid. Na para bang siya ang pinakamahalagang tao dito. Na para bang hindi kumpleto ang buhay nito kung wala siya.

"Victoria?" Agad na nagising siya sa malalim na iniisip nang marinig ang pagtawag ni Kuya Crisostomo sa kaniya. "Masama ba pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito.

"Hindi po," tiim niyang sagot habang pinaglalaruan ang kaniyang nanginginig na daliri. "Kuya . . ." nag-aalangan niyang tawag dito bago ito tiningala. Agad naman niyang nakita na nakatitig ito sa kaniya at para bang naghihintay sa kung ano ang sasabihin niya. "May nais lamang akong malaman . . ."

"Ano iyon?" tanong nito habang pinapanood siyang tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit dito. "Tandaan mo, kung may mga bagay kang nais malaman ay ako lamang ang lapitan mo. Sasagutin ko ang lahat ng mga bagay na nais mong malaman."

Tumigil siya sa harapan ng kapatid at tiningala ang matangkad nitong porma. Ang lapit-lapit nila sa isa't-isa ngunit walang nais lumayo. Gamit ang nanginginig na kamay ay unti-unti niyang tinaas iyon sa may leegan ng kapatid at hinaplos ang mansanas ni Adan nito. Nakita niya ang biglaang paglagok nito na para bang nauuhaw ito. 

"A-Ano po bang pakiramdam kung hahaplusin ko ito?" nauutal niyang tanong sapagkat ilang araw na ring bumabagabag sa kaniya ang isiping iyon. Simula nang magkita silang muli ng kapatid ay tila ba nais ng katawan niya na maging malapit dito. Kahit pa gumawa siya ng kakatwang paraan upang mapalapit dito ay gagawin niya. Ang init na nanggagaling sa lalake ay may kakaibang dala sa sistema niya. 

Unti-unti niya itong tinitigan at nang magtama ang mga mata nila ay agad niyang nakita ang iba't-ibang emosyon na umiikot sa mga mata nito.

Pagnanasa, paghahangad, pagpipigil.

Maawaing Diyos, patawarin niyo po ako sa magiging kasalanan ko.

"If loving you is a sin, sinner I'm ready to be." - My Sin In His Past

What sin would Zynder commit?

Is it loving his sister, Victoria?

Or is it loving a gay boy named Pedro?


A/N: Teaser for Victoria's character. :)

P.S: Kita na ba yung ibang mga chapters na hindi ma-view ng iba?

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now