Chapter 20

501 48 22
                                    

"Aray!" Napalingon si Apple Pie kay Xavier nang marinig ang malakas nitong daing. Kasalukuyan silang tatlo nina Yohan at ng kapatid nito na nakaupo sa may hapagkainan at hinihintay ang Kuya Zynder nito na bumaba at samahan sila. Kakausapin pa muna sana sila ng Kuya ni Yohan pero biglang nagbago ang desisyon nito matapos marinig ang sumbong ni Xavier. He just told them na kumain muna sila bago mag-usap. 

Kaya naman heto siya at napapagitnaan ng dalawang magkapatid na halos patayin na ang isa't-isa gamit ang mga mata ng mga ito. The two brothers were constantly glaring at each other most especially Yohan who looked like he would strangle his little brother to death. Ngayon nga'y nag-escalate into paninipa sa ilalim ng lamesa ang dalawa.

"Putang-inang sumbungero." Rinig niya ang nanggigigil na bulong ni Yohan sabay sipang muli sa kapatid. 

She saw Xavier winced in pain before saying his retort. "Iyak," he whispered while making a crying face. Mukhang mas lalong nainis si Yohan dahil sa sinabi ng kapatid dahil mas malakas na sipa ang binigay nito dito.

"If you're so jealous of me, then gouge your eyes out and throw it away! Kung inggit, pikit!" galit nitong sabi. "Inggit ka lang dahil wala dito ang pinakamamahal mong Elisa!" dagdag nitong sabi na mukhang ikinasama rin ng timpla ni Xavier. 

"Fuck you!" he said. Mukhang wala ng ibang maisagot kay Yohan. Hula niya ay dahil na-K.O. na ito sa sinabi ng kapatid. Palihim na lamang siyang napangiti dahil sa nakikita. It was such a cute banter between these two. Para itong mga elementary students na nag-aaway o nagpapagalingan. Walang gustong magpatalo kaya naman mas umiinit ang ulo ng bawat isa.

"Magsiayos kayong dalawa. Hindi na kayo nahiya sa bisita natin. Para kayong mga bata." Agad naman silang napalingong tatlo sa may entrance ng dining room nang marinig ang commanding voice ng isang lalake.

Standing 6' 4" tall, the Moreno-skinned man walking towards the empty seat has a respectful feel about him. A particularly notable feature is his distinctive clothes. Kahit na hindi naman ito naka-formal attire ay napaka-commanding pa rin ng presence nito na para bang kayang pasundin ang kahit na sino. He has a square face with a cleft chin, a pointed nose, large ears, defined cheekbones, and full lips. His brown eyes are hooded, and he has bushy eyebrows. Gaya nga ng sinabi niya kanina, ang mukha nito ay perfect na perfect sa mga pinapangarap ng mga kababaihan na "sugar daddy". 

He also has mid-back length, brown hair which is slick. Halatang alagang-alaga ang appearance. Kahit nga ang pangangatawan nito ay halatang tropa ng gym. He has muscular arms, a powerful torso, round hips, and strong legs. May tattoo ito sa bandang left ankle na hindi niya masyadong makita at ang right arm naman nito ay puno ng Filipino tribal tattoo, a Filipino mythical creature that she believed as the Sarimanok proudly adorned that arm.

She watched him as he slid to his seat before looking at them like they were just a bunch of three-year-old toddlers. Para bang dagdag kunsumisyon lamang sila para dito. Nang tumutok naman ang mga mata nito sa kaniya ay agad siyang kinabahan. Wala itong sinabi na kahit ano. Para bang inaalisa lamang nito ang kaniyang buong pagkatao gamit ang mga mata nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maihi sa takot o sa kilig. He was looking at her so intently, but all she could think of is "Ang swerte ng magiging asawa nito. Parang kayang mambalibag sa kama."

"Ehem . . ." Yohan quickly interjected so that his older brother's attention would transfer to him. Tumingin ito sa kaniya na para bang pinapagalitan siya at doon niya lamang napansin na napalakas pala ang boses niya. 

Oh shit! Narinig nila ako?!

"Kuya, this is Apple Pie Rios, my girlfriend," pakilala sa kaniya ni Yohan sa kapatid nito habang siya naman ay nahihiyang binatukan ang sarili bago muling tiningnan ang kapatid nito.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now