Chapter 65

491 42 10
                                    

Apple Pie felt so nervous after her short conversation with Heneral de Castro. The man insisted that she call him Cristobal, but she felt awkward addressing him as if they were close. Nang nagpaalam ang ginoo sa kaniya ay tila ba sinilihan ang kaniyang puwitan sa pagmamadaling pagpasok ng mansyon. She just hurriedly waved goodbye at the man and watched as he smiled at her like a freaking adorable dog.

Nang makapasok naman siya sa bahay ay agad siyang nagkulong sa kwarto niya. Yes, kwarto niya at hindi kay Yohan. Ayaw niyang doon itago ang basket na binigay sa kaniya ng lalake, baka makita kasi ni Yohan at magtanong pa. It would be better to store it in her room. 

Malakas muna siyang bumuntung-hininga bago nilapag ang basket sa may kalapit na lamesa. Umupo siya sa upuan na kaharap niyon bago napagdesisyunang tignan ang laman ng basket. 

Just as she expected, puno iyon ng iba't-ibang minatamis. Nakabalot ang mga iyon sa dahon ng saging at tanda niyang iyon ang mga pagkain na nakikita niyang binibenta tuwing Simbang Gabi. A bouquet of anthurium was sitting beautifully at the side, so she picked it up to admire it.

These were the same flowers that she saw Yohan gave to Carmelita, yung panahong iniwanan siya nito ng isang piraso. How ironic to see that Yohan was only willing to give her one, yet Heneral de Castro was offering her a whole bouquet. Para bang pinapakita sa kaniya ng mundo kung sino sa dalawang lalake ang willing na ibigay ang buong puso at kung sino ang kakapiranggot lamang ang inilalaan sa kaniya. 

Dahil sa naisip ay malungkot niyang ibinaba muli ang bungkos ng bulaklak pero dahil doon ay nakita niya ang munting papel na inipit sa may pinakagilid. Hindi niya iyon napansin kanina kaya naman nagtataka niya iyong kinuha.

Sana'y maganda ang araw mo ngayon.

It was short and simple but she can't help but smile after reading it. Hindi niya alam pero nawawala ang dark cloud sa ulo niya tuwing nariyan ang ginoo. It was such a heartstopping gesture and she was loving it.

Matapos iyon ay tinago niya ang binigay nito sa loob ng cabinet niya. Nang sumunod na araw ay maaga na naman itong nanggising sa kaniya. They talked and she did her very best to get a lot of information about Christina from him. Kung totoo nga ang hinala niya na siya si Christina Zaldua, then malaking tulong sa kaniya kung malalaman niya ang ugali ng babae.

Buti na nga lang ay may pagkaparehas sila ng binibini. Ayon kay Heneral de Castro ay sakit sa ulo si Christina sa pamilya nito. She was quite a rebel and always refuses to act "like a true binibini". Noong mga bata daw ang mga ito ay palagi daw silang tumatakas mula sa mga maid ng babae.

They climbed trees, play in the river and do mischievous stuff.  Naputol nga lang daw ang pagkakaibigan ng dalawa dahil unti-unti na daw lumalaki ang mga ito at hindi na daw magandang tignan kung palaging magkasama ang isang lalake at babae. Hindi na daw palaging nagkakakita ang dalawa hanggang sa nabalitaan na lamang ng heneral na may malalang sakit ang ama ni Christina. Kailangan daw sumama ng babae sa pamilya nito sa Europa dahil ito lamang ang nag-iisang anak ng mga Zaldua. 

They promised to write to each other but those letters became scant until they stopped altogether. Gumawa daw ng paraan ang heneral upang magkausap silang muli ni Christina ngunit nang subukan nitong bisitahin ang bahay ng mga Zaldua sa Europa ay nalaman na lamang nito na wala na daw doon ang mag-anak.

Pinaliwanag naman sa kaniya nito na noong aksidenteng nabangga niya ito at nagtama ang mga mata nila ay tila daw ang kababata nito ang nakita. He was so eager to talk to her but Yohan quickly gatekept her. Kaya ngayon ay nagtitiis itong palihim na lumapit sa kaniya upang makausap siya. 

She lied to him and said that she wasn't the Christina that he used to play with, but she knew that she really was indeed his childhood friend. Siya si Christina Zaldua.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now