Chapter 00

111K 3.4K 780
                                    

Chapter 00

"Bad trip na bad trip?"

Mas lalo lang akong sumimangot. "Duh," sagot ko habang inaayos iyong gamit ko. Passion ko talaga iyong painting... Mahilig akong magpaint ng sceneries. Favorite kong ipinta iyong dagat. Ang sarap sa pakiramdam tuwing nakaka-tapos ako ng painting tapos para akong siraulo na tatabunan ulit ng primer kasi mahal bumili ng bagong canvas. Nakaka-hiya naman humingi na naman ako kay Kuya.

"Kahit sino naman daw pwedeng maging model," sabi ni Chloe.

"Alam ko," sagot ko kasi hindi naman ako bingi–narinig ko naman iyong dini-discuss ng prof namin kanina. Alam ko naman na kailangan naming magpaint ng portrait ng tao. Hindi ko pa nga lang alam kung sino. Wala naman akong maisip kung sino ang gusto ko.

"Napaka-sungit mo talaga."

"Kailan ba ako nagpanggap na mabait?"

Umirap siya sa akin, pero sinamahan pa rin ako. Ewan ko sa kanya. Marami naman siyang choice na pwedeng samahan, pero sa akin pa rin sumasama. Minsan naman talaga wala rin talaga akong kwentang kausap. 'Di naman ako good mood araw-araw. Ewan ko ba. Pinaglihi ata ako sa sama ng loob.

"Kapag wala kang naisip, pwede naman tayo maghire ng model," sabi niya. Tumango na lang ako. Medyo malaki pa naman na parte ng grade namin 'to. Ayoko ng mababa na grade kasi nakaka-hiya kay kuya. Pinaglaban niya pa kay Mama na sa Fine Arts ako mag-aaral kahit malinaw na malinaw na sinabi ni Mama na sa Educ daw ako papasok. Nagtalo pa sila nung biglang dinala ako ni Kuya dito sa campus para mag-entrance exam kasi may ganoon pa pala–hindi pala basta trip mo magfine arts e papayagan kang mag-enroll.

E naka-pasa ako.

Si Kuya, sira-ulo, inenroll agad ako.

Kaya ayan... hindi talaga ako pwede magkaroon ng mababa na grade dahil nakikita ko na iyong pagbubunganga sa akin ni Mama na kesyo wala akong magiging trabaho pagka-graduate ko. Gets ko naman na worried lang siya, pero nandito na ako, e. Ano ba naman magpaka-supportive siya. At kung wala man akong makuhang trabaho, e 'di makiki-kain ako kila Kuya! As if naman papabayaan ako nung magutom!

May sinasabi si Chloe tungkol sa kung anuman pero 'di ako nakikinig kasi minsan, wala talagang sense iyong mga sinasabi niya. Nagpaalam na lang ako nung nasa labas na kami ng campus. Naglakad-lakad palabas pa tapos ay sumakay ng jeep. Pupunta sana ako sa condo ni Kuya kaya lang lumagpas naman ako! Sa hospital na lang ako pumunta.

Pagdating ko sa hospital, binati ako nung mga nurse na naka-salubong ko. Sayang nga, e. Nung single pa si kuya, may libre pa akong kape at kung anu-ano sa mga nurse. Haaaay. Nakaka-miss.

"Si Kuya?" tanong ko nang makita ko si Yanyan na pakalat-kalat sa hallway.

"Mukha ba akong directory?" naka-simangot na sabi niya sa akin.

Umirap ako tapos iniwan siya. Wala talagang kwentang kausap si Yanyan! Buti pa si Ate Niles, maayos kausap.

Naglakad-lakad na lang ako dahil palaboy-laboy lang din naman si Kuya sa hallway ng ospital. Kapag 'di ko siya makita, malamang may kababalaghan na namang ginagawa 'yon.

Nakita ko si Kuya na may kausap na lalaki. Lalapit na sana ako nang matigilan ako nang bahagyang mapa-lingon sa akin iyong lalaki. Napa-awang iyong labi ko. Oh, my god. Ang... gwapo?! Bakit ngayon ko lang siya nakita? Dito ba siya nagta-trabaho? Bakit... ang perpekto ng mukha niya?!

Biglang nasa harap ko si Yanyan at tumingin siya sa tinitignan ko. Natawa siya.

"Aww... may crush ka sa intern, little devil?" tanong niya sa akin.

Tumingin ako kay Yanyan at sumimangot. "Ano'ng pangalan niya?"

Ngumisi lang siya sa akin. "Di tayo friends–bakit kita tutulungan?" tuma-tawang sabi niya sa akin bago malakas na tinawag ang pangalan ni Kuya kaya sabay silang napa-tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagpanic ang buong sistema ko nang maramdaman ko iyong mga mata sa akin nung lalaki.

Shit!

Mabilis akong tumalikod at nagwalkout habang naririnig ko na tinatawag ni Kuya ang pangalan ko. Sino ba kasi 'yon?!

**
This story is already at Chapter 21 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance. 

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα