Chapter 03

68.9K 3K 1.7K
                                    

Chapter 03

"Marian."

Napa-tingin ako kay Chloe nung marinig ko iyong malakas na boses niya. Napa-kunot iyong noo ko sa kanya.

"What?"

"Kanina pa kita kinakausap."

"Nakikinig ako," sabi ko sa kanya. Naririnig ko naman talaga iyong sinasabi niya, hindi lang ako interesado. Besides, iniisip ko pa kung ano ba ang ginagawa ni Kuya nung siya iyong PGI. Ngayon kasi iyong usapan namin—more like ivinolunteer ko—ni Chase na sasamahan niya ako sa pagbili ko ng sketchpad. Mabibili naman 'yung sketchpad ko sa bookstores sa mall, pero hindi kasi ako roon bumibili dahil nagtitipid nga ako. Makapal ang mukha ko, pero hindi ganoon kakapal. Nahihiya ako tuwing nanghihingi ako ng pera kay Kuya.

"Sige nga, ano 'yung sinabi ko?" parang timang na tanong niya sa akin.

Umirap ako. "Iyong tungkol sa model mo," I said as she frowned because I was right—nakikinig ako. Trained na ako sa bahay na may ginagawa ako habang nagsesermon si Mama.

"May napili ka na ba?"

"Meron," I said.

"Sino? Tiga-tourism?"

"Nope."

"Anong college?"

I shrugged. Pinilit ako ni Chloe na sabihin sa kanya, pero hindi ako nagsalita. Naniniwala ako sa jinx. Hindi ako magku-kwento hanggang hindi nangyayari. Besides, hindi pa naman pumapayag iyong model ko. E 'di mukha lang akong tanga kapag sinabi ko tapos hindi rin naman pala papayag?

"May pupuntahan ka ba?"

"Wala," sagot ko kay Chloe. "Alis na ako," dugtong ko tapos ay naglakad na ako palabas ng school at dumiretso sa hospital. Hindi ako pumasok agad sa loob—doon muna ako sa may coffee shop sa may harap ng hospital. Bumili ako ng iced coffee at saka dumiretso sa CR para mag-ayos. I knew this wasn't a date, but I just wanted to look presentable in front of Chase. I was wearing acid fade mom jeans na naka-tupi iyong dulo, khaki colored boxed shirt na naka-tuck in, at puting sneakers. Gamit ko rin iyong bag na regalo ni Ate Niles nung birthday ko. I also made sure na maayos iyong makeup ko. I was wearing a no make-up make-up look.

Paglabas ko, wala pa rin iyong order ko. Medyo puno iyong coffee shop dahil nandito iyong mga bumibisita sa hospital pati mga doctor bumibili ng kape.

"Ayain mo na kasi," sabi nung isang babae.

"Nakaka-hiya," sagot nung babae.

"Ano'ng nakaka-hiya? Tanda-tanda na natin!" sagot nung unang babae. "Besides, malay mo pumayag? Maging study buddy pa kayo sa boards!"

"Ewan ko..."

"Sige na kasi! Para magka-jowa ka na for the first time in your life!"

Finally ay tinawag na rin iyong pangalan ko. Nag-excuse ako sa mga tao na nag-uusap dahil naka-harang sila sa daan papunta sa counter. Nung tumingin sa akin iyong babae ay napa-kunot ang noo ko. Siya iyong babae na tinulak nila kay Chase.

"Sorry," sabi niya sa akin. I just nodded at her and proceeded to get my drink. Hanggang sa maka-labas ako ay nasa isip ko pa rin iyong itsura niya. She looked... nice. I'd admit to that. To be honest, sa paningin ko, may iisang dating iyong mga med students. They all looked clean—at least kapag hindi sila stressed sa exams. I actually asked Kuya about that, pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Nung unang punta ko rito sa St. Matthew's, medyo nagulat din ako sa dami ng gwapo. Pero lagi kasi akong nandito kaya nasanay na lang din ako...

Until Chase.

I swear, that guy's level of attractiveness is on another level.

Dumiretso ako sa hospital. Naupo ako sa may bench. Sabi ni Chase sa akin ay ngayong hapon ang tapos ng duty niya. I didn't want to 'wait' for his arrival, so I fiddled with my phone. Pinigilan ko iyong sarili ko na i-search siya online. Gusto ko na kung ano man ang malalaman ko, sa kanya ko malaman mismo.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Where stories live. Discover now