Chapter 14

72.4K 3.6K 2.5K
                                    

Chapter 14

"What?" tanong ni Chase nang mapa-tingin siya sa gawi ko. Napaawang iyong labi ko nung mabasa ko kung nasaan kami. Ito 'yung lugar kung saan madalas dinadala ng mga boyfriend nila iyong mga classmate ko nung college. Madalas kong naririnig na pinag-uusapan nila 'to. Gusto kong pumunta rito, pero hindi ko inisip na makaka-punta ako. Hindi ko kasi priority. Nawala na siya sa isip ko.

Pero nandito ako ngayon.

"Ayaw mo ba?" kabado na tanong niya.

"Gusto," sagot ko.

"Really?" he asked, still nervous by the looks on his face. "Because I actually wasn't really sure about this because you already paint for a living tapos dito pa kita dinala sa date natin."

Umiling ako. "No, this is fine," I replied. This was actually more than fine. I really liked it. Siguro kung hindi niya ako dinala rito, one of these days, kapag naalala ko iyong lugar na 'to, pupunta ako mag-isa. I promised myself that all of the things that I felt that I was deprived of? Ibibigay ko sa sarili ko. Kahit isa-isa lang. Kahit mabagal.

I told myself that if no one would love me, then I would just have to love myself harder.

"Okay," sabi niya.

"Do you know how to paint?" tanong ko pagpasok namin.

"I know how to draw?"

"Alin? Iyong mga drawing mo sa school?"

"Wow..." sabi niya habang naka-tingin sa akin. "You weren't this mean to me before."

I shrugged. "I was trying to put my best foot forward then."

"Hindi na ngayon?"

Umiling ako. "If you like me, you have to like me for me," sabi ko sa kanya. Hindi naman ako ganoon kasama... I think. I learned a lot in London. Marami akong nakilala na tao. Marunong na akong mag-adjust, pero marunong din ako magsabi kapag ayoko. Mayroon na akong reasonable boundaries.

Tumingin ako sa paligid. May dalawang couples na nagpe-paint din. They looked like they're having fun.

"I'd rent the entire place, but I'm not yet rich."

"Wala naman akong sinabi," sabi ko sa kanya.

"Just saying," he replied. "Once I'm earning that neurosurgeon money, prepare your paintings because I'll be buying them."

Kumunot ang noo ko. "If that's the case, e 'di may utang ka na agad sa 'kin?"

Tumango siya. "I know. You actually already earned 6% interest—that's the legal interest sabi ng Achi ko."

"Achi?"

He nodded. "My sister. You'll like her. Medyo magka-ugali kayo."

"Is that a compliment?"

Tumawa siya tapos ay nagkibit balikat. "I don't know. Maybe."

Umirap ako. "Fine. Ano na lang iyong price kasi 'di ba doon naka-base iyong kung magkano ang interest?"

"I'd say priceless, but you're the artist, so you get to decide the price."

"One million," sabi ko.

Nanlaki iyong mga mata niya. "A little out of my price range, pero kung payable in—" sabi niya tapos ay parang nagbilang siya sa isip niya. "Payable in 10 years? I think pwede naman."

"Plus 6% annual interest?"

Napaawang iyong labi niya. "Fine," sabi niya. "Now I understand why they say less talk, less mistake," he said na parang nagbibiro.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon