Chapter 16

71.8K 3.7K 2.4K
                                    

Chapter 16

Mayroon akong kausap tungkol sa art piece ko nung biglang mapa-lingon ako sa isang gilid. Agad na napa-kunot ang noo ko nang makita ko si George. Ilang beses kong ipinikit ang mga mata ko dahil baka mali lang ang nakikita ko. But... it really looked like him.

"Thank you," sabi ko sa kausap ko nung magpaalam na siya. Kanina ko pa gustong umalis, pero ayoko naman na maging bastos dahil siya na mismo ang lumapit sa akin para kausapin ako at magtanong tungkol sa painting ko. Nang makaalis na siya, naglakad ako palapit sa may lalaki.

"George," I said, unsure, dahil hindi talaga ako sigurado kung siya ba ang nakita ko.

"Surprise," he replied nung lumingon siya.

My lips parted. "How... are you here?"

"Took a flight," he said, shrugging. "Told you I'll attend your first exhibit," dugtong niya. Naalala ko nung isang beses na nag-usap kaming dalawa, we were both a little drunk dahil galing kami sa isang house party. Naglalakad lang kami sa campus—sinamahan niya akong maglakad pauwi dahil delikado maglakad mag-isa. Napagod kami. Huminto at naupo lang sa damuhan. Maraming bituin nung gabi na 'yon. We talked about our dreams. I told him na pangarap ko sumali sa exhibit bilang professonal artist. He told me he's sure it'll happen and when it does, he'll be there to cheer for me. I thanked him. I just didn't know that he'll really do it... Kasi nandito siya ngayon—halfway across the world—to cheer for me.

"Congrats, Marian. You did it," sabi niya na naka-ngisi.

Napa-ngiti na rin ako. "Thank you," sagot ko sa kanya. "But... when did you arrive?"

Mayroong malapit na coffee shop sa may exhibit kaya pumunta kami roon. Nag-usap lang kami ni George. Dapat pala sasama sa kanya iyong iba naming mga kaibigan, pero hindi sila makaalis dahil sa trabaho. Si George lang iyong malakas ang loob na magleave agad kahit bago pa lang sa trabaho. He also kept on asking about Boracay dahil balak niya pumunta roon.

After a while, bumalik na kami sa may exhibit dahil baka kailangan ako roon. Pagpasok namin, agad na nakita ko si Chase. Naka-talikod siya mula sa pwesto namin. Naka-suot siya ng light brown khaki pants, while polo na naka-tupid hanggang gitna ng braso niya, at puting Converse sneakers. Patingin-tingin siya na para bang may hina-hanap hanggang sa mapa-hinto siya nang makita ako. Kita ko rin iyong pagkunot ng noo niya.

I walked towards him.

"Wala kang duty?" I asked dahil tanda ko na sinabi niya na hindi siya sigurado kung makaka-punta siya rito dahil may duty siya. Sinabi ko naman na buong buwan naman 'tong exhibit at pwede naman siya pumunta anytime.

"Nakipagpalit ako," he replied. Nakita ko na naka-tingin siya kay George na hindi sumunod sa akin at ngayon ay tumi-tingin na sa ibang paintings.

"George," I told Chase. "Kaibigan ko from London."

"He's here on a vacation?" tanong ni Chase.

"No," I replied. "He told me before na pupunta siya sa unang exhibit ko... and here he is."

Naka-tingin lang ako kay Chase habang naka-titig siya kay George na tahimik na tumitingin sa mga exhibit. Nakita ko na mayroong kumausap kay George na babae. George told me before that he liked me, but I never really took him seriously because I still see him flirting with other girls. Hindi rin naman ako nagalit o nainis. Hindi ko naman siya pagmamay-ari. Parang tanga lang kung magagalit ako e wala naman siyang committment sa akin. Same thing as hindi naman ako nagalit kay Chase nung magthank you siya sa akin.

"That's nice," kumento ni Chase.

"I know," I replied. Tumingin siya sa akin. His brow was slightly arched. Kumunot ang noo ko. "Ano?" tanong ko dahil may iba sa aura niya ngayon.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Where stories live. Discover now