Chapter 07

66.1K 3.3K 1.4K
                                    

Chapter 07

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko kay Chloe nung kunin niya bigla iyong cellphone niya nung matapos akong magsalita. May ginawa siya roon tapos ay ipinatong niya ulit sa lamesa. Nakita ko na bukas iyong voice recorder niya.

"Irerecord ko lang iyong sasabihin ko since I feel like magiging paulit-ulit 'to," she replied.

I rolled my eyes. "Sabihin mo na lang kung ayaw mo na tinatanong kita."

Tinawanan niya ako. "Not that, sis! Grabe ka naman," she said, bumping her shoulder against mine. "What I'm saying is... sabi nga ni Taylor Swift, I think I've seen this film before, and I didn't like the ending."

It had been a month since I started doing the portrait. Naka-tatlong meeting kami bago ko natapos iyong pinaka-drawing. Patapos na rin ako sa pagkukulay. Si Chase ay tapos na rin sa surgery rotation niya. Sabi niya sa akin nung isang araw, simula na ng 'intensive' review niya. Naalala ko kung gaano ka-seryoso si Kuya nung nagrereview siya para sa boards—naka-depende daw kasi doon kung saan siyang residency mapupunta kaya sobrang seryoso siya. Sa sobrang pagka-seryoso niya, naging top 1 pa siya.

"Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?" I asked Chloe kasi hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Busy si Chase sa pagrereview niya, pero kahit na ganoon, hindi pa rin siya napapagod sa pagtakbo sa utak ko. Sometimes, pakiramdam ko ay nababaliw na ako kaka-isip sa kanya. It was annoying.

"Ano ba gusto mong mangyari?" she asked.

"I seriously don't know."

"Gusto mo ba?"

Tumango ako. "Gusto."

"As in gusto enough para... i-risk?"

"Anong risk?"

Nagkibit-balikat siya. "Risk na tanungin siya kung ano iyong status? Kasi it's either yes or no... Or the other choice, go with the flow—na mukhang hindi mo rin gusto dahil ikaw na ang nagsabi na feel mo nababaliw ka na," sabi niya sa akin. "So, it's either sasabihin mo and risk it or say nothing and suffer in silence."

"I don't like both."

"I know. It sucks," she said. "Tara, libre na lang kitang ice cream."

Nagtalo pa kami ni Chloe dahil pagdating namin sa bilihan ng ice cream, ako iyong nagbayad nung sa akin. I just really didn't like people buying me food. May pera naman ako. After the ice cream, umuwi na ako sa bahay. Wala si Mama. Hindi ko alam kung nasaan, pero sana mamaya pa siya umuwi... lalo na kung galing siya sa bahay nila Celine. Sasabihin na naman sa akin nun na sana nagteacher na lang ako. Minsan, iniisip ko na baka frustrated teacher siya at saka akin niya binabaling. Pero hindi niya naman pinilit si Kuya na maging teacher. Baka galit lang talaga siya sa akin.

Habang nasa kwarto ako, nagbrowse ako online ng pwede kong pagka-kitaan. Madalas busy talaga ako sa mga requirements sa school kaya hindi ako maka-kuha ng regular na trabaho, pero minsan, kapag may time ako, kumukuha ako ng sideline na trabaho, mostly pang virtual assistant para online lang. Ayoko rin kasi umalis sa bahay hanggang hindi ako sigurado na makaka-survive ako ng at least six months. Once na meron na akong pambayad sa renta at ibang bagay na good for six months, aalis na ako rito. Bahala na si Batman sa mangyayari.

Naka-kita ako ng trabaho sa Upwork kaya iyon ang ginawa ko magdamag. Nung sumunod na umaga, inis na inis ako kasi napanaginipan ko si Chase.

"Anong oras ka naka-uwi?" tanong ni Mama.

"Mga alas-cinco," sagot ko.

"Birthday ni Celine kahapon, ah. 'Di ka sumunod?"

"May ginawa ako sa school," sabi ko. 'Di naman kami close ni Celine. Ayoko ngang pumunta roon para maki-kain ng handa niya.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt