Chapter 17

70.7K 3.5K 2.6K
                                    

Chapter 17

"Uuwi na ako bukas," sabi niya habang magka-usap kami sa phone. Naka-loudspeaker ako dahil nagddrawing ako... or, at least, nagta-try ako magdrawing. Iniisip ko na kasi iyong susunod na piece ko para sa exhibit. Nakaka-tuwa na mayroong tatlo na bumili nung gawa ko. May tatlong tao na nagustuhan iyong gawa ko. Ewan. Nakaka-taba ng puso na iyong pinaghirapan mo, mayroong nakaka-appreciate.

"Alam ko," sagot ko sa kanya. "Pang-apat na beses mo ng sinabi 'yan."

Tumawa siya. "Talaga ba?"

"Yes."

"Ah... Excited lang kasi ako umuwi."

Hindi ako nagsalita. Ewan ko kung bakit ako nahihiya e ako naman iyong humalik sa kanya. Gulat na gulat ata siya sa nangyari dahil natulala lang siya pagkatapos. Bigla naman akong inatake ng hiya kaya agad din akong umalis at naglakad palayo.

"Text kita kapag NLEX na kami," sabi niya.

"Okay."

"Dinner tayo."

"Okay."

"Date 'yun, ah."

"Okay."

"Girlfriend na kita?"

"Ok—" natigilan ako. Natawa siya. "Nice," sabi ko.

Tumawa na naman siya. "Puro ka kasi okay e."

"May ginagawa kasi ako," sabi ko sa kanya.

"Busy ka ba? Dapat sinabi mo para mamaya na lang ako tatawag."

"No, hindi naman," sagot ko. "Nagssketch lang ako para sa susunod na painting ko."

Nag-usap pa kami ni Chase hanggang ako na iyong magpaalam kasi rinig na rinig ko na iyong antok niya dahil sa paghikab niya sa kabilang linya. Pansin ko na kahit naka-pikit na siguro ang mga mata niya, hindi siya ang unang magpapaalam sa amin. Ako na iyong naaawa sa kanya kaya ako na ang tumatapos sa usapan namin.

After that, akala ko ay mapapahinga na ako, pero si George naman ang kausap ko. Sandali lang kaming nag-usap dahil kinailangan niya ng lumabas dahil may bar crawl daw sila ng bagong mga kaibigan na nakilala niya sa Boracay. Iyon talaga ang tao na kahit saang parte ng mundo mo ata dalhin ay kaya niyang magkaroon ng kaibigan.

The next day, I had lunch with Kuya and Ate Niles. Himala na sabay sila na free kaya naman napagdesisyunan namin na maglunch.

"Pumunta kami sa exhibit nung isang araw," sabi ni Kuya. "Wala ka dun."

"Wala naman ako dun araw-araw," sagot ko. "Sana sinabi mo para nagpunta rin ako."

"Sumama si Mama," biglang sabi ni Kuya.

"Oh? Bakit daw?"

"Gusto niyang makita gawa mo."

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Naramdaman siguro ni Ate Niles na may kakaibang nangyayari kaya nag-excuse siya para pumunta raw sa CR.

Tahimik lang ako na kumakain. Ano naman kung nagpunta si Mama? Hindi ko naman siya pipigilan. Kahit doon pa siya magcamping, okay lang naman sa akin. Buhay niya naman 'yan.

"Hindi kita pipilitin na makipagkita kay Mama," sabi ni Kuya.

"Buti naman," sagot ko. Tumingin ako kay Kuya. "Alam ko nanay ko siya. Alam ko siya naglabas sa akin sa mundo. Alam ko lahat 'yan," diretso na sabi ko sa kanya. "Pero ayoko siyang makita. Ayoko siyang maka-usap. Ayoko. Period. Hindi ko kailangan mag-explain kung bakit."

Walang expression sa mukha ni Kuya. Tumango lang siya.

"Okay," sabi niya.

"Okay," sagot ko.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Where stories live. Discover now