Special Chapter IV

37.4K 1K 104
                                    

ARBIS Special Chapter IV

Pinanood ko si Dashiel na paglagyan ako ng pagkain sa plato ko. It's been years since the two of us got married and build our own family but he still doesn't change. Inaaasikaso niya pa rin ako nang higit pa sa ginagawa kong pag-aalaga sa kanila ng mga anak namin.

Ang sabi niya, hindi lang naman daw siya ang napapagod sa pagtatrabaho kung hindi maging ako rin. He even said that being a full time mother is harder than any job in the world.

Kinailangan ko na munang itigil ang pagtuturo dahil ayaw kong iasa sa mga kasambahay namin ang pag-aalaga sa mga anak namin. I can give up my profession for the mean time as I take care of my family. Babalik na lang ako kapag medyo malaki na ang limang anak namin.

"Ayos na, Dash. Baka hindi ko maubos." sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin saka itinigil ang paglalagay ng sinangag sa plato ko.

"You sure?"

Tumango ako at ngumiti. "Kukuha na lang ulit ako mamaya kung gusto ko pa. Kumain ka na rin."

He nodded his head and placed the bowl of rice in the center of the table. Sinulyapan ko ang mga anak namin na may kaniya kaniya ng eksena sa upuan nila. Daniella and Daphnt were both staring at their plates. Kakagising lang kasi kaya mukhang wala pa sa wisyo. Madaling araw na kami nakarating dito sa Argao para sa isang linggong bakasyon. Saktong walang klase ang mga bata sa eskwelahan.

Si Dustine naman ay nagsisimula nang kumain habang si Dice at Duke ay nag-kukwentuhan at tila ba nag-aasaran pa.

"Dice and Duke, mamaya na maglaro. Nasa harapan tayo ng pagkain." malambing na sabi ko sa kanila.

They both smiled at me. "Opo, Mama."

Madali naman silang suwayin. Nga lang, si Dice ay may pagkapilyo kagaya ni Zadriel. Habang si Dustine naman ay namana ang pagiging seryoso ni Dashiel.

"I'm really worried about the relationship of Zion and Rian, Daniel. Do you think they would still be able to fix it?"

Naagaw ng tanong na iyon ni Mama Cheska ang atensyon ko mula sa mga bata. Itinuon ko ang mga mata sa kanila ni Papa Daniel na siyang nakaupo sa harapan namin ni Dashiel. Kasama namin sila sa biyahe patungo dito sa Cebu. Mama Cheska said she needs to inhale some fresh air. Sa dami ng nangyari sa pamilya ng Monasterio, kahit na ako naman ay gusto rin munang lumayo.

"For sure. It's just a phase in their marriage life. You do know that my brother loves Adrianna more than his life. It just that... your sister is letting anger consume her."

Huminga nang malalim si Mama Cheska at malungkot na umiling.

"Hindi ko alam pero pakiramdam ko, may pagkukulang ako sa kapatid ko. Palagi ko naman sinasabi sa kaniya na nasa tabi niya lang ako kahit may sarili na kaming pamilya."

"Don't blame yourself, Cheska. I'm sure Rian will learn to forgive Isha and eventually accept the fact that she's the woman Reon loves."

"One thing I realized about Isha, she's a good person..." sabi ni Dashiel na ikinalingon ko sa kaniya. Kabababa niya lang ng tasa ng kape niya sa ibabaw ng mesa bago huminga nang malalim. "Kung ano man ang nagawa niya noon kay Reon, I'm sure it's an order from her parents. She surely didn't want to follow it but was left with no choice."

"Tama po si Dashiel. I even witnessed her breaking down whenever she's alone while still pregnant. Hindi po ako magaling kumilatis ng isang tao pero ramdam ko na mabuting tao ang babaeng napiling mahalin ni Reon."

Ang totoo niya matinding pagkahabag ang naramdaman ko para kay Isha nang harap harapan siyang kamuhian ng mga Monasterio. Ramdam ko ang matinding pagsisisi sa kaniya at ang kagustuhan na bumawi sa mga pagkakamali niya ngunit hindi nabigyan ng pagkakataon.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoWhere stories live. Discover now