Kabanata 31

52.1K 2.2K 498
                                    

Kabanata 31

"Auto accidents can usually cause blindness through blunt trauma to the face or flying debris that causes objects to directly strike the eyes. In her case, Mr. Monasterio, shattered glasses tore her cornea."

"Is there a possibility that she can still... see?"

"To be honest, there's a chance."

"Then do everything you can, Doc. Don't waste time and perform the operation right away."

"It's not that easy, Mr. Monasterio. Unless you find an eye donor then we can start the operation as soon as possible. You have to submit an application in the Eyebank Foundation for that and wait for your turn. And may I just remind you that they're first come first serve."

Halos bumaluktot ang mga daliri ko sa aking paa dahil sa sakit na nararamdaman matapos marinig ang usapan na 'yon. Sigurado akong si Dashiel at ang doktor ang naguusap. Mahina ang mga boses nila pero nagagawa ko pa rin marinig dahil literal na tahimik ang kapaligiran.

I'm certainly in the hospital right now. Matapos mapagtanto na totoong bulag na ako, hindi ko na napigilan pa ang magwala at humagulgol ng buong lakas. I totally lost all my sanity and control until I felt someone injected me on my arm and slowly lost my consciousness, too.

Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, gusto kong magwala. Gusto kong magalit. Gusto kong kamuhian ang lahat sa paligid ko. Sa isang iglap, nasira ang buhay ko. Sa isang iglap, nagdilim ang mundo ko.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko para parusahan ako ng ganito ng langit. Nagmahal lang ako. Wala akong tao na tinapakan. Sa huli, ako pa rin ang naagrabyado.

Kung alam ko lang na ganito ang sasapitin ko, sana ay hindi ko na lang siya nakilala.

Tahimik akong humikbi. Ramdam ko ang pagkabasa ng unan ko dahil sa walang patid na pag iyak. Masakit ang halos lahat ng parte ng katawan ko. Pero sa tingin ko ay wala ng mas sasakit pa sa katotohanang hindi na ako makakakita pa.

I felt a soft caress on my shoulder and I just keep my eyes shut, letting the tears fall even more. Hindi ko man nakikita ay alam kong si Dashiel iyon.

"I'm sorry..." those are the words that came out of his mouth after of a long silence.

I chose to stay quiet. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang dapat isagot sa sinabi niyang iyon. Hindi gumagana ang isip ko dahil aaminin kong nababalutan ito ng poot at hinanakit para sa kanila. Natatakot akong oras na ibuka ko ang bibig ko, masasakit na salita lang ang masabi ko sa kanya.

"Could you please..." he paused. "Tell me what really happened."

Ang boses niya, nahihimigan ko ng takot at pag-iingat. Hindi ko alam kung para saan.

"Bakit hindi mo itanong sa kaibigan mo?" sa wakas ay nagawa kong isatinig.

Huminga siya ng malalim. "I want to hear it from you."

"May magbabago pa ba kung marinig mo mismo sa akin ang totoo? Maibabalik ba no'n ang paningin ko?"

Wala akong narinig na sagot magmula sa kanya. Nanatili lang akong nakapikit, hindi na nag-atubili pang idilat ang mga mata. Bakit pa? Wala rin naman akong makikita.

"I'll do everything to make you see again, Dreya. I'll search for an eye donor. Trust me, you will see the light again."

Ayokong umasa, Dashiel. Ayoko na.

"Dashiel, anak."

"Mama..."

"How's she?"

"Ganoon pa rin. Si Lauren?"

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon