Kabanata 6

52.4K 2.1K 386
                                    


Kabanata 6

Maluwag ang pakiramdam ko nang makauwi ako sa bahay. My presentation went well. The admiration in my classmates and professors’ eyes were too much to take that I couldn't still forget their smiles even if I am already home. Masarap lang sa pakiramdam na nagbunga ang isang bagay na pinaghandaan ko ng mabuti.

"Adrestia, sasama ka ba mamaya sa birthday ni Mang Abner?" tanong ni nanay habang dinidiligan ko ang mga alagang bulaklak.

Nilingon ko siya. Mas lalong tumingkad ang kanyang kayumangging kulay dahil sa pagkakatama ng panghapong araw. Sinipat niya ako habang abala siya sa paglalagay ng mga daing sa malaking bilao.

"Imbitado ang lahat maging ang mga kabataan. Siguradong naroon sila Maricel at Ronnel." dagdag pa niya.

"Sige, nay. Sasama ako at sasaglit lang."

Tumango siya saka binalingan ang mga dinaing na bangus. Maging ako ay bumalik na rin sa pagdidilig.

"Doon sa mansyon ng mga Monasterio gaganapin ang selebrasyon." aniya

Napahinto ako, wala sa sariling napatitig sa mga bulaklak.

"Bakit doon? Hindi ba at sa tambayan nagse-celebrate lagi si Mang Abner?" tanong ko, hindi maiwasan makaramdam ng kung ano sa dibdib ko.

"Iyon ata ang gusto ni Sir Dashiel. Isa pa ay sagot naman niya lahat ang magiging selebrasyon. Pasasalamat na rin sa matagal na serbisyo ni Mang Abner sa pamilya nila. Iyon ang sabi."

"Ibig sabihin ay naroon rin si Sir Dashiel, nay?" walang saysay na tanong ko.

Bakit ko pa ba naitanong 'yon? Siya ang amo namin, siya ang batas dito. Malamang sa malamang ay naroon siya. Sa mismong bahay niya.

"Anong klaseng tanong iyan, Adrestia Lucinda?"

Peke akong natawa. "Biro lang 'yon, Nay. Ikaw naman..."

"Umamin ka nga sa akin na bata ka. Ikaw ba ay humahanga sa amo natin?"

Natigil ako sa ginagawa at mabilis na nilingon ang gawi ni nanay. She's already looking at me, throwing me a judging stare.

"W-Wala, nay! Hindi ko naiisip ang mga ganyang bagay..." katwiran ko, nauutal pa at halatang palyado. "Bakit ninyo naman po naitanong?"

Mabilis akong tumalikod at itinuloy ang ginagawa, mabilis ang kalabog ng dibdib.

"Ang balita ko ay siya ang naghatid sa'yo sa eskwelahan mo kanina."

"Nag magandang loob lang si Sir Dashiel, nay. Pupunta daw kasi siya ng bayan at isasabay na daw niya ako. Nahihiya naman ako tumanggi, nay." katwiran ko.

"Ipapaalala ko lang sa'yo, anak. Mataas na tao si Sir Dashiel at mababa lang tayo. Sa ngayon ay wala pa tayong puwede ipagmalaki. Mahirap magkagusto sa isang kagaya niya. Masasaktan ka lang."

It may be very cliche to say but she's right. Rich people cannot like us.

"Huwag kang magalala, nay. Alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yan." wala sa loob na sabi ko.

Sumapit ang gabi. Pagkatapos maghapunan ay nagtungo na kami nila nanay at tatay sa mansyon. Maliwanag ang bakuran, nagkalat ang ilang silya at mesa. Mayroon rin videoke na nakahanda. Naroon na halos ang lahat ng mga kasamahan namin sa bukirin at nagiinuman. They're all laughing and talking loudly. Malayo pa nga lang ay naririnig ko na ang boses ni Mang Abner.

I even saw Ronnel and Maricel with some of our friends on the other table. May isang bote ng lambanog doon. Sa itsura pa lang ni Maricel ay halatang kanina pa siya nakikipag inuman.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoWhere stories live. Discover now