Kabanata 15

51.7K 2.1K 292
                                    


Kabanata 15

Panay ang pagsimangot ko kay Dashiel na ngayon ay salitan sa pagtataas ng kilay niya. He looks like a teenager boy who's trying to charm his crush by that move. Natawa ako.

"Hindi puwede iyang gusto mo, Dashiel." sabi ko, naiiling.

"Why not? Dito ka na lang sa tabi ko. Let's waste our time together."

"Hindi porque nangliligaw ka sa akin ay hindi na ako magtatrabaho dito sa palayan ninyo. Nakakahiya 'yon. Ano na lang ang sasabihin nila? Na umaasta akong senyorita."

He chuckled. "You and your principles, Dreya. You're just making me fall for you even more."

Muli akong natawa. He stared at me while sitting across me. Nagsisimula na sa paggalaw sila nanay dahil araw ng ani ngayon. Wala akong pasok sa eskwela kaya naman libre akong makatulong sa kanila. Itong si Dashiel ay ayaw akong pagtrabahuhin at hindi ko alam kung bakit. Sa tingin ko naman ay hindi 'yon maaari. It's just not fair to everyone who have been working hard here ever since.

"Nagsasabi lang ako ng totoo," sagot ko. "Paano? Magsisimula na ako dahil naroon na rin sila nanay. Babalik ka na ba sa mansyon?"

He shook his head. "I'll wait for you here. Sabay tayong kakain ng tanghalian."

Tumango ako at nginitan siya. "Ikaw ang bahala."

Tumayo na ako at iniwan siya sa tambayan. Nakakailang hakbang pa lang ako palayo nang muli ko siyang lingunin. He's still looking at me, a slight smile was etched on his lips. He winked at me and that made me giggle.

It's been two months since Dashiel asked for my parent's permission about courting me. Sa dalawang buwan na 'yon ay hindi kailanman siya umalis na ng Argao at nanatili na lang dito. Hindi siya nagkulang ng paramdam sa akin na gusto niya ako kagaya ng sinabi niya sa harap nila nanay. Hindi na rin tumutol ang mga magulang ko sa amin at ibinigay na ang basbas nila na maligawan ako nito.

Sa katunayan ay bumilib pa si Dashiel sa klase ng pamilya na mayroon ako. He didn't explain any further why he said that but I know it has something to do with his life status. Palagi ko naman pinapaalala sa kanya na hindi ko kailanman pagiinteresan ang yaman na mayroon siya gaano man kami kahirap.

Two months and I have already realize the feelings I have for him. It started with infatuation... and eventually turned to love. Sa maiksing panahon na 'yon ay ramdam kong mahal ko na siya. Hindi ako ganoon kasigurado kung talaga bang pagmamahal na ang tawag dito but the butterflies he gives me everytime he's near made me conclude it. Nga lang ay hindi ko pa siya sinasagot. I'm still waiting for the perfect time to give him my sweet yes. I want that time to be memorable. Like how memorable our first encounter was.

Mabilis na sumapit ang tanghali. Sa buong oras na nagtatrabaho ako sa palayan ay ni hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Maybe I was too inspired to work because I knew that he's watching over me. Kahit pa may kasakitan ang tama ng sikat ng araw sa balat, parang wala akong nararamdaman.

Nakasandal sa puno ng mangga habang ang mga braso ay magkakrus, nginisian ako ni Dashiel habang papalapit ako sa gawi niya. Tinanggal ko ang suot na sumblero, kasabay no'n ay ang pag ayos niya ng tayo at pag abot sa akin ng maliit na puting tuwalya. Hindi ko alam na may hawak pala siya.

"Salamat." sabi ko.

"Was about to fetch you there." aniya na ikinatawa ko.

"Bakit mo naman ako susunduin?"

Umiling ako saka pinunasan ang buong mukha patungo sa leeg. Naglalakad na kami patungo sa mesa kung saan naroon ang ilan sa mga trabahador at naghahanda ng pananghalian.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoWhere stories live. Discover now