Simula

125K 3.1K 701
                                    


Simula

"Adrestia, ano ba! Sisilip na ang araw narito pa rin tayo sa bahay. Naroon na sa palayan ang tatay mo!"

Isang matunog na buntong hininga ang pinakawalan ko nang marinig ang sigaw na iyon ni nanay. Iminumog ko ang tubig sa lababo at nag ahon ng ulo.

"Susunod na lang po ako, nay! Sandali lang po."

"Ay naku ka talagang bata ka! Sinabi ko nang huwag kang magpupuyat kaka-cellphone. Binili namin iyan sa'yo para sa pag aaral mo hindi para sa kung saan, Adrestia, ha!"

Ngumuso ako. "Hindi naman po ako napuyat, nay."

"Dalian mo na diyan at sumunod ka na sa akin!"

"Opo!"

Bumalik ako sa pagsisipilyo, mas nagmamadali. Hindi na bago sa akin ang pagiging istrikto ni nanay pagdating sa oras ng trabaho. She's always been like that ever since I was a little girl. I've witnessed how efficient they are when it comes to work and how well they manage their time. Kaya naman ng lumaki ako at nagdesisyon tumulong na sa pagsasaka sa lupaing parte rin ng kinatitirikan ng bahay namin ay natutunan ko na rin ang ganoong pag uugali nila.

Nga lang, minsan ay hindi ko maiwasan ang hindi marindi kay nanay. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay palagi siyang nagaalala na baka mahuli kami sa trabaho. Ayaw niyang may masabi sa amin at sa mga kasamahan namin ang may ari ng lupain. I haven't meet the owner of this land yet. Sila nanay at ilang magsasaka lang ang nakakakilala sa kanila. Pero base naman sa naririnig ko ay mababait daw ang may ari.

Nga lang, hindi porque mabait ay puwede ng samantalahin.

Pagkatapos magsipilyo ay nag ayos na ako ng sarili at nagsuot ng damit na akma sa trabaho ngayong araw. Wala akong pasok dahil Sabado naman. Usually, most of my weekends are being spent here in the farm. Depende iyon kung walang project na kailangan asikasuhin.

Pagkalabas ng pintuan ay mabilis akong sinalubong ni Browny, kumakawag ang buntot at tila ba sabik na makita ko. I pat his head as he licked my hand.

"Kumain ka na ba, Browny?" tanong ko na akala mong magagawa ako nito sagutin.

The four year old dog only wagged his tail. I smiled and squatted in front of him. Inalis ko ang tingin sa kanya at ibinaling sa mga halaman sa aking tabi.

"Mamaya ko na lang kayo didiligan, nagagalit na kasi si nanay at pinagmamadali ako. Huwag kayong magtatampo, huh?" pagkausap ko sa mga halaman ay hinaplos pa ang dulo ng dahon nito.

Tumahol si Browny dahilan para maagaw ang atensyon ko. I saw it looking somewhere else. Nang sundan ko ng tingin iyon ay nakitang kay Rommel siya nakatingin. Kumaway siya sa akin na agad kong sinuklian ng ngiti.

"Sabay na tayo pumunta sa palayan." aniya.

Tumango ako.

"Sige, papunta na rin naman ako," tumayo ako at naglakad na palapit sa kanya. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya habang nakatayo sa tapat ng kahoy na gate. "Si Maricel, hindi mo ba dinaanan sa kanila?"

"Dumaan rin ako. Pero ang sabi niya kasi ay baka mamaya pa siya makapunta roon."

"Bakit raw?"

Nagkibit balikat siya. "Hindi sinabi, e."

Isinara ko ang gate bago sabay na naglakad paalis ng bahay. Sa gilid ko ay naroon si Browny ay sumasabay rin sa amin. Nakaugalian niya na ang pagsama sa akin sa tuwing pupunta ako ng palayan. Hindi ko nga alam kung bakit sa akin siya nasabay at hindi kela nanay. Siguro ay dahil ako ang madalas na nagpapakain sa kanya.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoWhere stories live. Discover now